Elliana's Point Of View
Truth to Yvonne's words, pagbalik sa probinsiya ay gabi-gabi siya kung tumawag. Wala talagang palya. Kapag may oras ay nagv-video call kami. Ako nasa trabaho, siya gumagawa ng project.
Time flies so fast. Ako nalang mag-isa sa bahay. Mama and Papa started exploring the world. Mama calls me from time to time, once a week to be exact. Kine-kwento niya sa 'kin lahat ng ginawa nila ni Papa. I can sense the happiness in Mama's voice. Madalang ko lang makausap si Papa, wala kasi ito sa tuwing tumatawag si Mama.
"Love, umuwi ka na."
Napatingin ako sa screen ng Ipod ko. Naka-video call sa 'kin si Yvonne. It's ten PM and I'm still finishing my paperwork. Basa dito, basa doon.
"Ikaw, matulog ka na," ani ko sa malamyos na boses.
"Hindi ako matutulog hanggat hindi ka nakakauwi," seryosong sabi nito.
"I can sleep here. May secret chamber naman si Dad dito."
"Ikaw lang mag-isa? Hindi ba delikado? May guard ba diyan? Night shift?" sunod-sunod na tanong nito.
"Love, il-lock ko ang pinto ng office at chamber ni Dad. And yes, may guard at iilang empleyado sa baba. I'll be fine here. May cctv naman so..."
"Matulog ka na kung gano'n."
"Hindi pa ako tapos—"
"At may bukas pa. Don't tire yourself too much, Love. Stop making me worried."
"Maaga pa naman."
"Love, may bukas pa. Tulungan kita bukas, gusto mo? Prioritize your health, hm?"
Niligpit ko ang lahat ng gamit sa desk na ikinangiti mi Yvonne. Bitbit ang Ipod ay lumapit ako sa pinto ng chamber ni Dad at binuksan iyon. Namangha ako sa ganda ng disenyo ng kwarto. May nakalagay pang letter sa gitna ng malaking kama.
Money is luxury, health is power.
— Elton Josiah Castley, CEO
"May letter si Papa sa 'kin," nakagat ko ang sariling labi.
"Anong sabi?"
"Money is luxury, health is power."
Narinig ko ang mahinang tawa ni Yvonne sa kabilang linya.
"Maski si Tito ay alam na magpupuyat ka. Matulog ka na, mahal ko."
Nilapag ko sa kama ang Ipod ko at nagmamadali sa pagbihis. From business attire to pajamas. Nagdala na ako ng extra na damit in case of emergency or something, katulad nito. I asked Yvonne to sing for me until I fall asleep and she happily obliged. Tumayo ito at kumuha ng gitara. I closed my eyes when she started strumming.
The softness of Yvonne's voice lingered on my ear. Napaka-komportable sa pandinig ng boses niya. Ito na ba 'yong tamang oras na masasabi ko ng si Yvonne ang mundo ko? I just need someone in my life to understand me, spoil me, and give me everything I want. I'm asking for too much, I know, but damn, God really gave me the perfect girl. Not gonna lie she's too much for me. She means a lot to me. She means the world to me.
I woke up with the sun hitting my face. Cellphone agad ang kinapa ko at nakita kong may iniwang message si Yvonne sa 'kin. No, it was actually a video that she sent to me. It was our video call last night, she recorded it. Mahimbing na ang tulog ko at siya naman ay kumakanta lang. I saved the vid and transfered it to my hard drive, where I store our memories together. The videos, pictures, records, everything. Lahat ng ginawa namin ni Yvonne, naka-save 'yon. Natatakot ako na baka isang araw... makalimutan ko si Yvonne. Ang babaeng tinatangi ko. Ayokong dumating ang araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceYvonne Alvarez's therapy is music, well, not until she met a very fine young lady with attractive rare green eyes. She thought falling in love would be the last thing Yvonne would do. But that was a lie. It only took eight seconds for her heart to b...