Elliana's Point Of View
Muling dumaan ang mga araw, linggo, at buwan. Proud ako sa girlfriend ko. Finally, after months of hardship, overthinking, and sleepless nights, she'll finally hold her own degree. My love, a degree holder.
Nakatayo ako ngayon sa harap ng kwarto ni Yvonne. Walang ibang tao dito ngayon maliban sa amin ni Yelena, Karen at Evelyn. Nasa school na kasi si Yvonne kasama sina Tita para sa graduation photoshoot nito.
"Elli! Tara na, kailangan na tayo do'n!" sigaw ni Yellena.
"Mamaya pa naman 'yong graduation 'di ba?"
"Oo, pero sasali tayo sa photoshoot."
Gamit ang sasaakyan nila ay nakarating kami sa campus ni Yvonne. Habang naglalakad papasok ay pinagtitinginan rin kami ng mga tao. I was formally dressed while Yelena and the others are wearing casual clothes.
Paanong hindi formal eh sinundo lang nila ako sa office. Hindi ako na-inform na ngayon pala ang graduation!
"Hindi niyo man lang ako pinagbihis!" I hissed.
"Akala ko kasi sinabihan ka na ng kapatid ko. Impromptu ang pagpunta natin dito, okay? Ang kaibahan lang ay hindi ka nakapaghanda."
"You look so expensive, Elli," Karen giggled.
"Like a boss," tango ni Evelyn.
We reached the room where the photoshoot is being held. Sinalubong kami ni Tita at Tito. Kasalukuyang pini-picturan si Yvonne ng mapatingin ako sa harap.
"Akala ko hindi na kayo aabot," nakangiting sabi ni Tita.
"Oh, Elli, lumapit ka na do'n. Dapat may picture rin kayong dalawa." Hinawakan ni Tito ang kamay ko at hinila ako palapit kay Yvonne.
"Love!" Yvonne surprisingly exclaimed.
"Bakit hindi mo sinabi na ngayon pala? Muntik pa akong hindi makapunta," sinamaan ko ito ng tingin.
Napakamot ito sa batok at ngumiti.
"Surprise sana kita na dala na 'yong diploma ko."
Pumwesto ako sa likod ni Yvonne ng inanunsyo ng photographer na sisimulan niya na ulit. Gamit ang isang kamay ay hinila ako ni Yvonne sa gilid at hinapit palapit sa kaniya. She took off her graduation cap and made me wear it.
"Smile, Love. Sa wakas, malapit na, Elli."
Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi nito. Matamis na ngumiti ako sa camera. Nang matapos ang photoshoot ay proceed agad kami sa school gymnasium.
"Girlfriend ni Yvo 'yan?"
"Beh, ang ganda."
"Hoy, totoo? 'Yan 'yong usap-usapang girlfriend niya?"
"Yata? Sobrang private kasi ni Alvarez. Kumalat lang sa school dahil kay Kaicy."
"Kabog, 'te! Super pretty."
"Mas matanda sa kaniya?"
"Ay, ang ganda."
"Buti pa si Alvarez may magandang girlfriend."
Nang balingan ko si Yvonne ay sobrang lawak ng ngisi nito. She looked so proud. Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko at ayaw pakawalan.
"Hi, Elliana! I'm glad to see you here!" Kaicy approached us.
Unang napansin ko kay Kaicy ng lumapit ito ay ang mga mata niya. The color was visible under the ray of the sun. The color of the sea.
"Hello. You're so pretty."
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceYvonne Alvarez's therapy is music, well, not until she met a very fine young lady with attractive rare green eyes. She thought falling in love would be the last thing Yvonne would do. But that was a lie. It only took eight seconds for her heart to b...