Chapter 18

71 4 0
                                    

Elliana's Point Of View

I SCREAMED out of frustration. I woke up in an unfamiliar room, in a king-size bed, with a complete stranger next to me. Nakatulala ito ng magising ako at nakatingin sa kawalan.

"Bakit ka ba sumisigaw?" he glared at me.

"What? What do you expect me to do? Magsaya? Tanga ka?"

He responded with a sarcastic smile. Napatitig akong mabuti sa maamong mukha nito. He is somewhat familiar to me. Nakita ko na ang mukhang 'to dati. Saan nga ba? Think, Elliana, think.

"Mukha kang may sayad sa ginagawa mo. Kahit ilang beses ka pa sumigaw, walang makakarinig sa 'yo. I already explored the whole place. We are in the middle of the ocean— in an isolated island to be exact, and this is the only house in this place."

"Paano mo naman nalaman 'yan? You're kidding. Alam kong nasa—"

"Go, see it for yourself."

Sinamaan ko ito ng tingin at inirapan. I went to the window and gasped as I saw the blue ocean outside. White sand.

"Nasaan tayo?!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko.

"Paulit-ulit?" sarkastikong tanong niya.

Padausdos akong napaupo sa lapag. Did Mama and Papa really abandoned me? Just like that?

"May cellphone ka?" nanghihinang tanong ko.

"I do. Pero wala sa 'kin. Mom took it from me before sending me here. Hindi ko nga rin alam paano ako napunta dito."

"Paano ko tatawagan si Yvonne nito?" bulong ko.

Alam kong nag-aalala na 'yon sa 'kin. I don't want her to worry about me. I promised to call her once I get home but didn't had the chance to do so. Ano na ang gagawin ko nito? I can't just stay here for the rest of my life!

"I remember you. Ikaw 'yong nakabanggaan ko dati sa labas ng bar, hindi ba?" turo nito sa 'kin.

Flashes of images popped up on my mind. Tama. Kaya pala pamilyar ang mukha nito. I was certain that I already saw this unpleasant face somewhere. Now that he mentioned it...

"Naalala ko na. Ikaw 'yong bastos na nakabangga sa 'kin na hindi man lang nag-sorry. Asshole."

"Hey, that's a foul! Ikaw 'yong hindi nakatingin sa daan, babae."

"Nanisi pa nga. Walang modo!"

"Maldita."

"Bastos."

"Spoiled brat."

"Baliw."

"Siraulo!"

Tinapatan ko ang talim ng titig nito sa 'kin. Anong akala niya magpapatalo ako? Nah-uh.

"Babae ka pa man din sana pero matabil ang dila mo."

"Oh, e di wow. Lalaki ka pa man din sana pero pumapatol ka sa babae."

"Tumigil ka na nga. Parang bata," irap nito.

Did he just... Did he just... oh, my goodness!

"Stop being a brat. I am sure that we are in Florida. The white sand and this house, vacation house 'to ng magulang ko. I've been here before. I was seven, I think? I don't really remember. Damn! What a headache," he touched his forehead.

Napatayo ako at napapadyak sa inis. Napahagulgol ako ng iyak. Gusto ko na bumalik kay Yvonne. I feel safe with her.

"Tumigil ka nga kakangawa. Excuse me, mas nauna ako sa 'yo dito. Tumigil ka na at tulungan mo akong maghanap ng paraan para makaalis tayo dito," he added.

Eight LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon