Elliana's Point Of View
"Hindi ka na lumalabas. Ayos ka lang ba?" iyon ang bungad ni Yelena sa 'kin nang maabutan ko ito sa sala.
"A-ayos lang naman. Bakit ka nandito?"
Inaya niya akong umupo. Umupo ako sa tabi niya at sinundan ng tingin ang bawat galaw niya.
"May nangyari ba sa inyo ni Yvonne?" seryosong tanong niya.
"What the hell, Yelena!" gulat na sigaw ko.
"Kumalma ka nga. I mean, may napag-usapan ba kayo or something? Hindi mo raw siya pinapasin. No'ng una gustong-gusto mo magpapansin, tapos ngayon umiiwas ka. Ang gulo ng pagkatao mo, Elli."
After that unexpected confession, I wasn't able to communicate well with Yvonne. Nas-sorpresa pa rin ako at nahihiya. Sobrang casual lang ng pag-amin niya, which is I like. Ayoko ng bonggang confession, kasal na lang ang bongga.
"Wala naman. I was just busy these past few days, hindi nga ako nakakasama sa inyo ni Karen at Evelyn, 'di ba?" sagot ko.
"Huwag kang magsinungaling sa 'kin, Elli."
"I'm not lying," diin ko.
Kahit na ang totoo ay nagsisinungaling nga ako. Umiiwas ako kay Yvonne kasi nahihiya akong harapin siya. Hindi ko alam kung anong mangyayari, kung ano na ang susunod.
"Sinabi sa 'kin ni Yvonne. Umamin daw siya sa 'yo. Gusto ka niya. Ano bang problema, Elli? Ito na 'yong hinihintay mo."
"Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari."
"Simpleng bagay ginagawa mong complicated."
I clearly know that.
"Maawa ka sa kapatid ko, Elli," she pleaded.
Bakit ako maaawa do'n, kaano-ano ko ba 'yon?
"Ayoko," pakipot na ani ko.
"Walang tulog. Ayaw rin kumain kakaisip sa 'yo. Pareho kayong wala na sa tamang katinuan," seryosong sabi nito na ikinagulat ko.
Gano'n kalala? Sira na ba ulo niya?
"Mag-usap nga kayo. Need niyo ng closure kahit hindi naging kayo," naiinis na sabi niya.
I agreed. Inaya ako ni Yelena lumabas para bumili. Kailangan niya na ng maghanda ng maraming tela para sa itatayo niyang business. Hindi na niya kailangan mag-worry about the business permit, para saan pa at naging kaibigan niya ako. Connections will make it a lot easier.
"Ano bang magandang tela—"
"Satin. Magpapa-costumize ako ng dress sa 'yo," I cut her off.
We have this family trusted designer. We don't buy things, we request it, sweetie. Good thing may kaibigan akong designer. She'll make my life easy.
"First costumer, honey," I winked.
Hindi nagtagal ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo mag-isa sa isang cafè. I saw Yelena coming with the receipt in her hand.
"Restroom muna ako. Dadating din 'yong coffee natin mayamaya."
Hindi ako umimik at tumango na lang. I took out my phone and opened the camera. Itinutok ko iyon sa glass wall. I am responsive to what is pleasurable to the senses.
Napatigil ako sa pag-click ng may maglapag ng coffee sa table ko. I smiled and said thank you.
"You're welcome... Elliana."
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko iyon. Standing in front of me as the coolest person I have ever known.
"Dart!" manghang sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceYvonne Alvarez's therapy is music, well, not until she met a very fine young lady with attractive rare green eyes. She thought falling in love would be the last thing Yvonne would do. But that was a lie. It only took eight seconds for her heart to b...