Chapter 7

92 10 0
                                    

Elliana's Point Of View

Nauna ako kay Papa ngayon sa kompanya. Tingin ko ay mal-late ng pasok si Papa. As usual, nagpahatid ako sa driver namin. I don't know how to drive. Dad wouldn't let me drive too, though.

"Good morning, Ma'am Elliana."

Iilang employee ang bumati sa 'kin pagpasok. I don't usually greet them back but today, I did.

"Good morning."

Wala pa akong office dito sa kompanya. Iisa lang kami ng office ni Papa.

"Good morning, Ma'am Elli," bati ni Catherine.

"Morning."

Halata ang gulat sa mukha ni Catherine na agad ring napalitan ng ngiti.

"Nakalagay na po sa desk niyo lahat ng files na ibinilin niyo sa 'kin."

"Okay, thank you."

Dalawang desk ang nasa loob ng office ni Papa. Iyong sa 'kin at sa kaniya. Kapag nandito si Papa sa office, sa desk ko ako umuupo. Kapag wala ay sa desk niya. Umupo ako sa desk ko at sinimulan ang pagbabasa. Sa totoo lang ay nad-drained ang utak ko sa dami ng mga dapat kong basahin.

"Rest your eyes, Elliana."

Nagtass ako ng tingin at natagpuan si Papa na kakapasok lang.

"Pa, you're here."

"Rest. Ilang oras ka na nakababad diyan."

"Yes, Pa."

I finished the documents I'm reading 'til the last page and rested my head on my swivel chair. My eyes hurt. Kinda burns. Nagpaikot-ikot ako sa swivel chair at napatigil lang ng tumunog ang cellphone. My eyes widened when Yvonne's name popped up. Nag-angat ako ng tingin kay Papa na may pinipirmahang dokumento.

"Excuse me."

I picked my phone from my table and went outside. Muntik ko pang mabangga si Catherine na papasok ng office ni Papa. She said sorry and I only nodded as a response. It was partly my fault but my mind is focusing on Yvonne's call. The moment I reached the comfort room, I swiped the answer button.

"Love! You nearly gave me a heart attack. What's with the sudden call?" bungad ko.

"What did I do? What happened?"

"Kasama ko si Papa kanina," I bit my lip.

"Hm? So? Magiging Papa ko rin naman si Tito soon," mapang-asar na sabi nito.

"Love naman eh! Alam mo namang—"

"Elli, I know and I'm just teasing you," she cut me off.

"Love... I'm sorry."

Ilang beses na namin napag-usapan 'to. Hindi pa ako ready na ipaalam kay Mama at Papa ang kung anong mayro'n sa 'min ni Yvonne. Bukod sa hindi pa ako handa ay natatakot din ako sa magiging reaksyon nila. Papa might went ballistic. Humahanap lang ako ng tamang tyempo. Pero hindi ko alam kung kailan.

"You don't have to, Love. Maghihintay ako."

"I love you."

"I adore you too, Elliana. By the way, I'm outside the building. May dala akong pagkain."

"What food? Mamaya pa ang lunch."

Sumandal ako sa sink.

"Snacks and lunch," she answered.

"Ayaw mong makasama ako mag-lunch?" I pouted.

"Elliana, you don't know how much I want to be with you every time. Kung pwede lang ay itatali na kita."

Eight LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon