Inilibot ko ang paningin ko sa sala at tumigil iyon sa masayang mukha ng kapatid ko na kausap si Mama at Papa.
"Are you sure about this?" I asked.
Bumaling sa 'kin ang nakangiting mukha ng kapatid ko. Ilang beses itong tumango at excited na nagtititili.
Well, she's attending a fancy school so, no wonder. Papasok na sa kolehiyo ang kapatid ko, at pag-aaralin siya ni Mama sa isang sikat na school. Sa sobrang mahal ng tuition fee parang matatanggal kaluluwa mo. Pero si Mama, pursigido talagang pag-aralin si Ate doon, kapag ako naman ang nag-kolehiyo ay plano rin nitong pag-aralin ako sa skwelahan na 'yon na pilit kong tinatanggihan, hindi sa ayaw ko pero, magastos. Makakapag-aral naman ako ng mabuti sa public school, ayos na sa 'kin 'yon.
"Ate, kapag may nahanap kang gwapo doon, huwag mong kalimutan na may maganda kang kapatid ha? Lakad mo sa 'kin," sabat ng kapatid ko na nasa second year high school pa lang.
Kahit kailan talaga tsk.
"Bago ka humarot, siguraduhin mo munang mataas grade mo. Ang bata-bata mo pa ang harot mo na, saan ka nagmana?" taas kilay na tanong nito.
"Sa 'yo," sagot ni Yvette.
"Aba't—"
"Mag-aaway pa eh. Mag-aral ka diyan Yvette, ingat ka sa kung saan ka man pupunta, Ate."
Bitbit ang gitara sa likod ay lumabas ako ng bahay at pumunta sa bakuran, kung saan ako namamalagi kapag gusto kong tumugtog. I started strumming and a minutes later interrupted by a noice.
"Yvonne."
Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino 'yon, it's Ate Yelena.
"Hm?" I hummed.
"Galit ka ba?"
"Do I look like one?" I kept strumming.
"Oo. Huwag ka na magalit, uuwi naman ako dito kapag walang klase eh."
"Hindi ako galit."
"Yvonne naman eh!" sigaw nito.
Such a baby, tsk.
Nagmulat ako ng mata at pinalapit siya sa 'kin. Dahan-dahan itong naglakad at umupo sa tabi ko.
"I'm not mad. Just worried. You'll be living alone for a long time," marahang ani ko.
"Magiging ayos lang ako, tsaka ia-update ko naman kayo palagi. Nga pala, huwag mong kalimutang magkwento sa 'kin kapag nakahanap ka na ng chiks ha," ginulo nito ang buhok ko.
"Stop messing with my hair. You know how much I hate typing," bored na ani ko.
Nakakatamad mag-type sa keyboard para lang magbigay ng tsismis.
"Oo nga pala, e 'di sa tawag na lang."
May bumusina sa labas ng bahay, iyon na yata ang sundo niya.
"Sundo mo na 'yon, mag-ingat ka do'n," paalala ko.
Maluha-luhang tumingin ulit ito sa 'kin. Cry baby.
"Bibisitahin mo ba ako do'n?" tanong nito.
"Hindi. Umuwi ka ng kusa."
Napasimangot ito.
"Yvonne!"
"Yelena! Mahuhuli ka na sa eroplano!" sigaw ni Mama.
"Ihatid mo 'ko hanggang airport, Yvo, sige na!" pilit nito.
"Hindi pwede, hindi tayo kasya sa kotse. May gagawin din ako, pupuntahan ko si Kaicy," iling ko.
BINABASA MO ANG
Eight Letters
Roman d'amourYvonne Alvarez's therapy is music, well, not until she met a very fine young lady with attractive rare green eyes. She thought falling in love would be the last thing Yvonne would do. But that was a lie. It only took eight seconds for her heart to b...