4

8.7K 521 117
                                    

Ville Jet Avillar

"GO ROCKET!"

Mabilis akong napalingon sa tabi ko nang marinig ang malakas na tilian. Sira ang mukha ko habang pinagmamasdan ang studyante ng Westview College of Sciences and Institute of Technology na nagkakagulo tuwing nakaka-score ang team ng school namin. Kahit hindi nga si Rocket ang naka-score pangalan niya pa rin iyong tinitili nila. Ang bastos lang ng mga chikading na 'to. 

"GO FAFA ROCKET SHET KA! AHHHHH!" Napadaing ako nang itulak-tulak naman ako ngayon ng katabi ko. 

Nanghihina akong napahawak ng ulo ko (hindi po ulo ng tite ko ano ba!) at pinakiramdaman kung naalog ba utak ko pagkatapos niya akong gawing human babybrattle.

Nang mahimasmasan, nilingon ko ang katabi ko at malakas na pinalo sa braso. "Bwiset ka!" 

"Ano ba?! Child abuse ka ah," ang reklamo niya at napasimangot. Hinimas-himas pa niya iyong braso niyang pinalo ko. 

Muli ko siyang pinalo. "Child abuse! Child abuse! Bwiset ka, eh kung bugbugin kaya kita dito? Pano kung nagka-Shaken Baby Syndrome ako ha? Palagi mo talaga akong ginagalit, Louise."

Napakamot siya ng ulo at nalilito akong tiningnan. Nag-loading na naman ang mas maasim pa sa cracklings. "Anong shake— Hoy! Gaga, di ka na baby pinagsasabi mo? Ba't di ka na lang tumahimik diyan at manuod ng game ni Rocket? 'Di ba ikaw naman nag-aya sa akin na manuod dito?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula sa kaniya at mas mabilis pa sa alas-kuwatrong tinakpan ang bibig niya. Napalingon-lingon ako sa paligid kung may nakarinig ba sa sinabi niya. Mabuti na lang at abala pa rin sila sa kasalukuyang game. 

Sinamaan ko ang baklang kanal. "Hoy, Louise, ikaw ang nag-aya sa akin dito. Ikaw."

Maayos kong ibinigkas at diniinan ang salitang 'ikaw' para makuha niya ang punto ko. Medyo loading pa naman utak ng isang 'to.

"Huh? Di ba ikaw pa nga humila sa akin pabalik sa school namin para lang m—"

"Ikaw," ang pagputol ko sa sasabihin niya. Hindi na siya dapat pang magsalita. Alam na niya ang ibig kong sabihin kapag pinandilatan ko siya ng mata. 

Kaagad niyang itinikom ang bibig at umaktong i-z-in-ipper iyon, nilagyan ng lock at tinapon ang susi. Tumango-tango ako at nag-thumbs up sa kaniya. Umayos kami ng upo.

"Bigay ko sa'yo mamaya iyong formula ng assignment mo na pinagawa ko sa mayor namin kaya umayos ka diyan," ang bulong ko.

Impit siyang tumili habang nakatikom pa rin ang bibig. Napatawa ako. Parang ewan lang eh. Pinanindigan talaga iyong pagzi-zipper niya. Sana habang-buhay na niyang gawin 'yan para naman ma-reduce ang air pollution sa mundo.  

Muli kong itinuon ang atensyon sa harapan kung saan patuloy pa ring tinatalo ng team nila Rocket ang football team ng Westview. Kahit hindi ko masyadong gets ang game sigurado naman akong nahihirapan na rin ang Westview na banggain si Rocket, ang forward ng school namin, base sa frustration na ipinapakita ng mga player. Haggard na haggard na ang kabilang team habang si Rocket naman pangise-ngise lang. Hambog talaga. 

Hindi ko maiwasang mainis habang pinagmamasdan siya. Paano niya nagagawang mag-mukhang gwapo at mabango kahit tagaktak na pawis niya? Kahit simpleng pagsuklay lang ng basang buhok at paglunok, napapaabang ka na. Bakit mukha ng batang yagit iyong mga kalaro niya pero siya namumula lang iyong pisnge?

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon