Ville Jet Abellar
"Happy eating? Pwe! Mabilaukan sana ang chipipay na 'yon. 500? Sa ekonomiyang ito? Ano? Pang mix and match lang itong beauty ko? Bwiset na insek 'yon, kuripot. Muntik pang mapahamak 1k ko." Hindi ko mapigilan ang magreklao habang mag-isang binabaybay ang malamig na mall.
Medyo inis ako kay auntie pero hayaan na, ang importante nakatangay tayo ng 1k pang lunch. Syempre iba 'yong serbisyo ko kanina. Ano sila siniswerte? Matapos nila akong alilain? Pagkaitan? Api-apihin? Chars!
"Hoy!" Malakas kong tinawag iyong lalaking mag-isang naglalakad. Mas binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko siya. "Jasper! Hoy! Hintayin mo ko!"
Napangise ako ng tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa gawi ko. Kumaway ako sa kaniya at nang makalapit ay nakipag-apir.
"Anong ginagawa mo dito?" Ang natatawa niyang tanong sa akin.
"Nagpapa-aircon lang. Ikaw? Cutting ka 'no?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
Mas lalo siyang natawa saka pinitik ang noo ko. "Gago ka. Pano mo nalaman?"
"Pang-blackmail ko dapat 'yon sayo para ilibre mo kong lunch."
Natatawa lamang siyang napailing sa akin. "Ang kapal talaga ng mukha kahit kailan. Sama ka na sakin. Jollibee lang malilibre ko sa'yo."
"Walang problema. Goods ako kahit saan." Oh edi save tayo ng 1k. Easy.
Inakbayan niya ako, halos payakap na iyong braso niya sa leeg ko. Sinubukan ko siyang sikuhin pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya doon. Hinayaan ko na lang, manlilibre din naman siya sa akin.
"Akala ko Jollibee?" Ang nagugulahan kong tanong kay Jasper nang makapasok kami sa isang buffet resto.
"Bakit? Ayaw mo? Pwede ka namang kumain doon mag-isa," aniya sa mapaglarong tinig.
Syempre aangal pa ba ako eh nakita ko 980 per head dito pag weekdays. "Syempre gusto! Kaya mas lalo kang pumupogi sa paningin ko eh. May assignment ka ba?"
Malakas siyang humalakhak sa tanong ko at hinila ang pisnge ko. "Wala. Pag meron na pasagutan ko sayo lahat. Pati ako sagutin mo na din."
Nandidiri ko siyang tinapunan ng tingin. "Kadiri ka. Maghunos-dili ka nga."
"Sus ang arte. Crush mo yata ako eh."
Ang panunukso niya pa sa akin habang inaabutan ako ng plato."Crush? Ikaw? Eh palagi mo nga akong nil—"
"Ville!" Hindi ko natapos iyong sasabihin ko nang ma-sight ko ang babae sa aming harapan katabi ang tuta niya.
May dala-dalang plato si Rocket na puno ng mga gulay at siomai. Huh? Eh di naman 'to kumakain ng siomai.
"I thought magl-lunch ka somewhere? Sana pala sumama ka nalang sa amin."
"Ah..." hindi ako makaisip ng palusot. "Sinamahan ko kasi siya. Friend ko na friend din ni Rocket. Di ba?"
Nilingon ko si Jasper na mukhang aburido ng mamulot ng mga pagkain. Nang magka eye contact kami ay bigla niya akong tinaasan ng kilay bago lumingon kay Blythe.
BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...