Ville Jet Abellar
Malakas akong tumikhim at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Kalimutan mo na 'yon. Kapag uulitin mo 'yon, sasapakin na kita."
Mahina siyang natawa at tumango-tango. "Please do."
Napataas naman ang kilay ko doon. "Iba talaga tama mo kay Blythe," ang komento ko at napailing-iling.
"Pero parang okay na rin 'yon para naman hindi kita mapakulam sa sama ng ugali mo."
Ngumise lang siya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa niya. Nagliligpit na rin ako ng paunti-unti para hindi na ako matagalan pa lalo sa pag-uwi mamaya. Napapikit ako ng mariin nang kumurot bigla ang tiyan ko.
Namimilipit akong tumayo mula sa aking kinauupuan na kumuha ng atensyon ni Rocket.
"What happened?" Ang kunot-noong tanong niya.
"Jebs muna ako. Balikan kita mamaya," ang nanghihina kong paalam bago tumakbo sa direksyon patungo sa banyo dito.
Ilang oras din ang ginugol ko doon. Pansin ko talaga tuwing nandito ako sa condo ni Rocket, palagi akong natatae. Mostly kasi namamahay itong pwet ko, hindi ko kayang matae, kahit sa school. Pero dito sa condo niya ang smooth lang ng transaction. Baka dahil may mga buttons iyong bowl niya?
Pagkatapos kong mag-jebs, tumayo pa ako saglit sa harap ng humidifier para mawala iyong amoy bago ako lumabas ng banyo.
Napakunot ang noo ko nang may marinig akong mumunting boses na nanggagaling sa living room.
"Basta ah! Kapag inalila mo kuya namin haharangan talaga kita sa gate ng school niyo at susuntukin," ang sabi ng boses bata.
Bakit ka-boses ni Sam?
"Ikaw? Eh kaboses mo nga 'yong sa chipmunks," ang panunukso dito ni Rocket. Sobrang sama na ng kutob ko.
"Lokong 'to, tunog kriminal ka nga di ko naman 'yon punana. Basta! Umayos ka. Kabarkada ko pa naman 'yong mga tambay sa kanto. Nakuuuu! 'Wag mong inaaway kuya namin."
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad nang sumegunda ang malamyang boses na sigurado akong si Pandan.
"Hmm. Depende. 'Wag ko na kaya siyang pauwiin ngayong gabi?"
"Hoy!"
Napatakbo ako kay Rocket at inagaw mula sa kaniya ang cellphone kong mas sira pa sa buhay ng kapit-bahay niyong mapangmata pero kabit naman pala ng seaman na may limang anak sa una niyang asawa.
Sinamaan ko siya ng tingin nang ngisihan niya ako. Tiningnan ko iyong cellphone ko at nakitang account ni mama ang ginamit nila.
"Pandan, Sam, bakit gising pa kayong dalawa ah? Gusto niyo bang malintikan sa akin pag-uwi?" Ang ma-awtoridad kong tanong sa dalawa. Hindi kasi natatakot ang mga 'to kay mama. Bata pa lang sila sa akin na sila nakikinig at mas madalas kami ang magkasama.
"Si Sam kasi, kuya," ang malumanay na sumbong ni Pandan. Nai-imagine ko na ang nguso nitong sumasayad sa sahig habang masamang nakatingin sa ate niya.
BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...