15

6.5K 437 141
                                    

Ville Jet Abellar

Mariin akong napapikit nang madaanan ang mga drummers sa may gate ng school. Hindi kalayuan, kitang-kita ko na ang flag ng bawat strand na nakataas sa gitna ng quadrangle. 

At kagaya ng mga nakagawian, nakabukas ang school namin sa publiko. Kasama ng Academic Festival namin ay ang paglikom ng mga funds para i-donate sa kaniya-kaniyang charity na pinili ng mga strand at orgs. 

Una akong nagtungo sa bulletin board kung saan nakapaskil ang schedule ng mga events.

Unlike before, una ang  Languages and Literature ngayon na i-h-held sa e-room ng library namin. Since kaunti lang naman ang population nitong school namin, around 20 participants ang anticipated na sasali. Iyong tatlong mapipili, magkakaroon ng 5-minute presentation patungkol sa mga sinulat nilang essay. 

Sasali dapat ako, pero pinili kong huwag na munang umeksena. May next year pa naman, bigay ko na kay Rocket ang spotlight para tumino na 'yon. Malay natin, makuha niya talaga si Blythe. Mabigyan pa ako ng bonus. 

"Anong nginingiti-ngiti mo mag-isa?" 

Speaking of the devil.

Nginisihan ko siya. "Pera."

Napailing nalang siya at judgemental akong tiningnan. "You're so shameless."

Bago pa siya makalayo, pinabalik ko muna siya sa pwesto niya kanina bago hinila patungo sa hindi mataong hallway.

"What the fuck are you doing?" Ang inis niyang tanong sa akin ng kornerin ko siya sa pader.

Medyo nahihirapan pa ako sa laki ng katawan ng hayop na 'to. Effort na effort ang mga braso ko sa ginagawang pag-trap sa kaniya. Hindi din nakakatulong na kailangan ko pa siyang  tinangalain.

"Ginawa mo ba 'yong sinabi ko?" Ang panimula ko.

"The what?" Magkasalubong ang kilay niyang tanong sa akin. Alam niyo palagi na lang galit ang isang 'to. Sarap ipa-mental may anger issues eh.

"'Yong brief," tinuro ko gamit ang nguso ang pang-iiba niya. "Pula ba 'yang sinuot mo?"

Saglit siyang napatitig sa akin. Ganoon din ako. Hinihintay ang magiging sagot niya. Kakangalay namang kausap ang isang 'to. Ang sakit sa leeg!

"Are you for real?" Ang seryoso niyang tanong.

"Malamang! Tips 'yon para swerte nagtanong pa ako kay—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigls niyang kinurot ang ilong ko. Malakas kong hinampas ang kamay niya pero ayaw kumawala.

Naiiyak ko siyang sinamaan ng tingin.

"I did." Marahang umangat ang gilid ng kaniyang mga labi bago niya ako itinulak gamit ang ilong ko saka niya lang iyong binitiwan.

Hindi ko na siya magawang mahabol pa dahil abala ako sa paghaplos ng ilong ko.

"Puta ka ang sakit. Ipapa-retoke mo ba 'to ha pag napano 'tong ilong ko?" Ang naiiyak kong bulong sa sarili.

Nagtungo na lang ako sa quadrangle kung saan kasalukuyang nagaganap ang opening ceremony. After nito diritso essay writing contest na. Pero iyong mga kasali lang ang excused sa class.

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon