Ville Jet Abellar
Main income 🤑👌:
Let's postpone tomorrow morning's session and move it to the evening. Also sent notice to the other guys. I'll double your pay tomorrow.
Ville:
Noted.
Napaikot ang mata ko habang binabasa ulit ang message niya kagabi. Hindi na talaga nag-reply ang loko.
Akala ko pa naman babawiin niya. Pero mukhang seryoso nga talaga siya sa plano niya.
Oh well. Hindi naman niya yata kailangan pang i-prove ang sarili niya academically. Mukhang tama na iyong ginawa niya para makuha si Blythe.
Edi mabuti sa akin di ba? Double pay ng hindi nag-effort. Hm. Ano kayang pwedeng gawin ngayong araw? Tapos na lahat ng possible projects ko. Nakapag-review na rin ako kahit papaano.
Jasper Dean Lao sent you a message.
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pangalan ni Jasper sa notif ko. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko iyon or ano hilig pa namang mag-send ng mga link sa shoppee ang hayop na 'to.
Jasper Dean Lao:
Pst. Anong ginagawa mo?
Ville:
Naghahanap ng lalaki sa bumble. Bakit?
Jasper Dean Lao:
Yucks bumble user.
Sunduin kita diyan sa bahay niyo. May ipapagawa ako.
Ville:
Ano?
Jasper Dean Lao:
Basta hindi masama illegal lang.
Ville:
Ina nito baka papagtrabahuin mo pa ko sa POGO-han ninyo.
Jasper Dean Lao:
Hoy HAHAHAHAHA fuck you. Di ako spy gagong 'to ✌️😚✌️
Ville:
HAHAHAHA loko! Magkano ibabayad mo sa akin?Jasper Dean Lao:
Grabe ka. Patawad ako ngayon. Kaya ba 500? Pero bilhan kita nito. May promo sila isasabay ko na sa sapatos na bibilhin ko.May sinend siyang link ng sapatos galing sa kilalang shoe store. Kaagad naghugis puso ang mga mata ko nang makita ang laman n'on.
Ville:
Hoy totoo ka? Ayoko ng couple shoes ah 😠 pwede ba pink 'yong kulay.Jasper Dean Lao:
No problem. Bilisan mo magpalit ng damit dadaanan kita doon sa may vet.Ville:
KkkkkkMabilis pa sa alas kwatro akong nagpalit ng damit kapag ganitong nag-aaya si Jasper, siguradong masarap ang pagkain.
Hindi naman ako naghintay ng matagal sa kaniya. Mga around 10 minutes tumigil ang blue niyang Silverado sa harapan ko.
"Bilis ah? Excited kang makita ako?" Ang tanong niya sa akin pagkapasok ko ng sasakyan. Pinakyuhan ko kaagad siya.
BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...