22

3.9K 542 395
                                    

Ville Jet Abellar

"Eyes on me, Ville. I got the prize so only look at me."

Malakas akong napatili at ginulo ang buhok nang muli na namang nag-play sa utak ko iyong nangyari last monday. Sabado na ngayon pero utak ko naiwan yata sa auditorium. 

Absent na ako nang tuesday at wednesday, which means 'di ko nakita si Rocket sa championship sa math league. At kagaya nga ng pangako niya, nagawa ulit niyang ipanalo iyon. Nag-send lang ako ng congratulatory message sa kaniya sa araw na iyon. 

Noong thursday at friday naman for the first time ay dumalo ako sa Young Entrepreneurs Social Room kung saan ang mga member ay mga tagapagmana sa mga business ng daddy nilang isa lang ang pinakasalan pero sampung panganay ang pinangakuang tagapagmana ng ari-arian. Eme! Dumalo ako doon para lang di ko ma-sight si Rocket at mukhang effective naman.

"Bakla, okay ka lang ba? Ito na nga ba sinasabi ko. Kapag talaga matalino madaling nababaliw. Jusko, looord! Tita! Tita si Vil

Dinampot ko ang pinakamalapit na unan at ibinato iyon sa walanghiyang Louise. Sinubukan niya pang umilag pero sa liit nitong kwarto sapul na sapul talaga siya sa mukha. 

"Ang ingay, bakla. Kung may baliw dito ikaw 'yon."

Maarteng ngumuso ang bakla at inirapan ako. "Kainis ka, bakla. Nagka-love life ka lang kay Jasper at Rocket ginaganiyan-ganiyan mo na ako. Ayaw mo pa akong samahan gumala." 

Kaagad na umasim ang mukha ko nang marinig ko ang pangalan ng dalawang asungot sa buhay ko.

"Anong love life pinagsasasabi mo diyan? Nakita mo lang ako minsang kasama sila kung anu-ano na pumapasok diyan sa utak mong puro kalaswaan. Ikaw bawas-bawasan mo 'yang kakanood mo ng bold ha. Baka isang araw makita ko iyang kaluluwa mong naka-display pang premium membership. Sinasabi ko sa'yo, Louise, support ako." 

"KYAHHH!" 

Sabay kaming napatili dalawa habang magkahawak ang mga kamay pagkatapos kong sabihin iyon. Natural! Kaibigan tayo. Support sa kapokpokan huwag lang nilang masaktan-saktan ang baklitang ito. Ay, dae! Magkaka-world war III tayo. Sinasabi ko sa inyo. 

Natapos ang tilian naming dalawa nang umilaw iyong bago kong iphone 16 promax 1tb fully paid walang halong joke ang maiinggit kukunan ng kidney ibebenta ko.

"Main income... sinong main income, bakla?" Ang kunot-noong tanong ni Louise sa akin habang nakadungaw sa phone ko sa lapag. 

Malakas akong tumikhim at pinulot iyong librong natapon ko kanina. "Si Rocket 'yan. Hayaan mo 'yan, manguutos lang 'yan." 

Isang malokong tingin ang ibinigay niya sa akin kaya muntik ko na namang itapon itong libro ko sa pagmumukha niya. "Ikaw, ang malisyosa mo. Sa tingin mo papatol ako sa kaniya? Louise, I deserve better." 

Hindi pa rin natinag ang gaga. Mas lalo lang lumaki ang ngise niya sa mukha. Nakakainis. 

"Alam mo ang defensive mo. May sinabi ba ako?" Ang painosente niyang tanong sa akin. "So ano? Sinuko mo na iyang putotoy mo sa kaniya?" Tinuro pa ng nguso niya ang pantalon ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 4 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon