12

7K 439 77
                                    

Ville Jet Abellar

Wednesday the following week nang mabigyan si mama ng abiso para makalabas na ng hospital.

Kahit walang tulog, inayos ko lahat ng mga papeles para maka-less kami sa bill dala ng in-operahan nga siya para matanggal ang mga bala tas 'yong mga pang blood transfusion niya pa.

"Ma, dahan-dahan lang. Hindi pa tayo nakakalabas sa hospital," ang stress kong saway kay mama kasi nagsimula na siyang lumikot.

Nakikipaghampasan ba naman kay ta Bebe habang bina-backstab ang isa nilang kasamahan sa bar.

Nginitian ako ni mama at marahang pinisil ang pisnge ko. "Sorry na po, sir."

"Hay, buti na lang jud at wala ka na-grabehan. Grabeng milagro 'yon dae oy. Akala gyud nakog mamatay ka na ba," si te Bebe na walang filter ang bibig.

"Totoo, be, pero ayaw ko pang mamatay baka magkita pa kami ng dating asawa ko," ang naiiling na sabi ni mama.

Malakas na natawa si te Bebe pero agad ding tumahimik nang dumating na iyong taxi na pinara ko. Aligaga nitong inalalayan si mama papasok habang ako naman ay naglagay ng mga gamit sa tranke ng taxi.

Nang maupo na ako sa passenger seat ay kaagad akong napahilig sa bintana at tulalang napatitig sa labas. Abala na naman ulit sila mama at te Bebe kakachika.

"Sa'n po tayo, sir?"

Nilingon ko si kuya. "Sa Atillo compound po."

Tumango si kuya at ako naman ay muling ipinikit ang mga mata. Simula lunes wala na akong maayos na tulog dahil bukod sa pagt-tutor kay Rocket kailangab ko pang mag-aral para sa sunod-sunod naming mga exams.

Mahirap. Pero hindi ko na iniisip 'yon. Ang importante kaya ko at okay sila mama.

Pagdating namin sa bahay, na nalinisan ko na kahapon, pinagpahinga ko na kaagad si mama.

Inayos ko na lang iyong mga gamit niya at mga gamot na dapat iinumin.

"Dong, nakatulog na 'to imong mama. Uuwi na ako ha? Para makapagpahinga nasad ko."

Nilapitan ko si te Bebe at niyakap. "Te, thank you talaga."

"Sus, naunsa! Para nasad na nakog kapatid imong mama ui. Sige na ha. Pag-amping kayo dito. Pang-lock mo. Tawagan mo lang ako kapag may kinahanglan ka nako."

Tumango ako at pasikretong isinilid ang pera sa bulsa ni ate. Ayaw niya kasing tumanggap noong inabutan ko ulit siya ng pera.

Syempre nahihiya din ako sa kaniya. Sobrang laking tulong ni ate sa akin.

Pagkaalis ni ate, nakaidlip pa ako saglit bago ko pinakain ng tanghalian si mama. Mabuti na lang at malakas naman siyang kumain.

"Hindi ka ba papagalitan ng teacher mo at mu-absent ka, nak?" Ang nag-aalalang tanong ni mama sa akin habang nagliligpit na ako ng mga pinaggamitan namin.

"Hindi po, ma, nag-explain na din naman ako. Magp-pass din po ako ng mga documents bukas para po makapag-take ako ng mga na-miss kong school works."

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon