Ville Jet Abellar
Kinabukasan, pumasok na ulit ako sa school nang dumating si te Bebe. Dumiretso siya sa bahay pagkatapos ng trabaho niya sa bar at pinapasok ako sa school.
"Nag-lunch ka na ba, ijo? Malapit na ang afternoon class niyo," ang tanong ni Mrs. Robles sa akin habang inaabot ko sa kaniya ang test paper.
"Tapos na po," ang pagsisinungaling ko dito.
After ng morning class ko dumiretso ako sa faculty para sagutan iyong mga na-miss kong quizzes at exams.
Kaya ayon hindi ako nakapag-lunch. Hindi rin ako nakapagbaon sa pagmamadali at wala ng oras para lumabas.
"Sige, you may go now. Thank you for coming."
Nagpaalam na rin ako sa ibang teachers sa faculty bago ako tuluyang lumabas doon.
Since hindi nga ako masyadong nakakapag-aral outside school hours, bumabawi na lang ako sa mga naririnig kong discussions tuwing klase.
Madali namang nar-retain sa utak ko iyong mga naririnig ko. Pero hindi ako kampanti kaya kapag may kaunting oras nagbabasa naman ako.
Madaming nagtatanong kung nae-enjoy ko ba ang pag-aaral.
Syempre hindi!
Pero para sa isang kagaya ko, ang makapag-aral, ay isang prebilihiyo. Hindi lahat nakapapag-aral. Hindi lahat may access sa magandang edukasyon. Kaya ako, sinusulit ko talaga iyong scholarship ko.
Oo, mukha akong malakas. Parang hindi ako napapagod.
Pero sa totoo lang pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko nalulunod ang buo kong katawan at ulo na lang ang naka-angat. Pilit sinisipa ang mga paa para lumutang.
Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Rocket at ilang ka-member niya sa football.
Inirapan ko nga. Bakit ba?
"Hi, Ville," ang bati sa akin ni Jasper na nang madaanan ko siya sa likuran ni Rocket
Kinunutan ko siya ng noo. Ang feeling close naman nito. Buti sana kung di nang-aasar kapag naniningil ako sa kaniya.
"Di ka ba magh-hi pabalik?" Ang taas kilay niyang tanong sa akin.
Tumigil sa paglalakad iyong iba niyang mga kasama at pinanood kami.
"Gago ka, Jas! Bakla na naman ngayon?"
"Fuxk, you're gay, dude?"
"Lumayo kayo ng kunti baka mahawaan kayo!"
Malakas na nagtawanan iyong mga kasama niya kaya pinakyuhan niya ang mga ito habang natatawa rin.
Ilang beses ko silang inirapan. Jusko! Anong taon na? Magg-gen Z flip 1 terabyte na tayo pero iyang pagiging homophobic at ignorante nila hindi pa rin nahahanapan ng lunas.
"May sasabihin ka ba o nagpapapansin ka lang sakin?" Ang bwiset kong tanong kay Jasper.
Kapag ganitong wala akong kain, dapat hindi nila sinasagad ang pasensya ko. Lumalabas ang pagiging laking kanto ko.
BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...