21

7.7K 614 436
                                    

Ville Jet Abellar

Napahilot ako ng ulo habang naglalakad sa hallway patungo sa classroom. Kaninang umaga pa masakit ang ulo ko, inuubo din ako at sinisipon. Uminom na ako ng gamot pero parang di tumatalab. Kainis. 

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang dumilim ang paningin ko. Hindi ako hinimatay, as in literal na nandilim kasi tinabunan. Leche sino ba 'to?

"Putek, sino ba 'to?!" Ang inis kong tanong at sinubukang tanggalin ang malalaking kamay na nakaharang sa mga mata ko. 

Narinig ko ang mahinang niyang pagtawa sa likuran ko saka ang paglapat ng kung anong malambot katabi ng tenga ko. Napatuod ako bigla nang maamoy ko ang pamilyar niyang pabango. Anong trip ng lalaking 'to? Ang aga-aga, ako pinagt-tripan. 

 "Ville, pa-utang," ang bulong niya sa tenga ko. Lapat na lapat pa iyong labi niya doon. Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko. 

Kaagad ko siyang siniko pero nakaiwas ang hayop Tumawa pa talaga siya. "Walanghiya ka, Jasper. Bitaw nga! Mal-late na ako." 

Tatawa-tawa niyang tinanggal ang mga kamay sa mga mata ko bago niya ako niyakap sa leeg. Nope. Hindi yakap. Sakal. Sinakal niya ako sa leeg gamit ang braso niya. Napakawalanghiya!

"Ang aga-aga, Ville, ang init ng ulo mo. Kunti na lang kamukha mo na iyong mga Labubu ni mommy," ang natatawa niyang tukso sa akin saka kinurot ang pisnge ko. 

Huminga ako ng malalim. Tina-trangkaso lang ako pero mukhang mamamatay yata ako sa sama ng loob ngayong araw. 

"Pwede ba, Jasper? Huwag ngayon ok—" Hindi ko natapos sasabihin ko at bigla akong naubo ng malakas, iyon pang may plema. 

Sinamaan ko ng tingin si Jasper bago tumakbo sa pinakamalapit na cr. Napahilot ako ng ulo habang naglalakad palabas pagkatapos ko doon. Gustuhin ko mang um-absent, hindi ko magawa. Sayang din ang points ngayong araw saka madami na akong absent noong na-aksidente si mama. 

Napataas ang kilay ko nang madatnan si Jasper na nakasandal sa pader at abala sa phone niya. 

"Uminom ka na ba ng gamot?" Ang tanong niya sa akin nang makita ako. 

Tumango-tango ako at kuryuso siyang tiningnan. "Bakit ka ba andito? Wala ka bang pasok? Magc-cutting ka na naman?" 

Namilog ang mga mata niya . "Anong nanaman? Loko ka. Minsan lang kaya. Akin na nga 'yang bag mo. Baka mapano pa yang lungs mo ako sisisihin nila Sam." 

Napaurong ang ulo ko. "Ang arte ng lungs. Oh, ayan! Ayusin mo 'yan ah. May sampung milyon 'yan." Inabot ko sa kaniya ang bag at parang tuta naman niya itong tinanggap. 

Kinuha ko iyong phone ko at chineck kung may bago bang mga announcement habang naglalakad. Minsan kasi may mga last minute announcements si mayor. May 30 minutes pa naman bago mag-start ang class. 

Napakunot ang noo ko nang makitang may message ang mahal kong amo 15 minutes ago. Ano na namang kailangan nito? 

Main income 🤑👌:

Tita told me you're sick. Did you take your meds?

Napataas ang kilay ko sa nabasa. Anong nakain nito at parang concern? Kung iniisip niyang makakahawa ako sa kaniya pwes ang kapal naman ng mukha niya. Siya mag-adjust. Saka full-gear kaya ako. Naka-mask ako at jacket, may bitbit pang alcohol. 

Ville:

Tapos na. 'Wag kang mag-alala di ako lalapit sa'yo mamaya.

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon