Ville Jet Abellar
"Kuya, bakit hindi pa dumadating 'yong kaibigan mo? Baka nakalimutan na tayo. Tawagan mo nga ulit," ang inip na utos sa akin ni Sam na ikinasalubong ng kilay ko.
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Maka-utos 'to. Personal driver mo? Maglinis ka diyan. Nakakahiya sa bisita," ang saway ko dito habang tinatapos ang pagwawalis ng sahig namin.
Hindi naman siguro judger ng bahay ang lokong 'yon di ba? Kasing laki lang ng cr niya itong bahy naman pero kahit papaano mukhang desente naman ito. Mabango rin kasi nag-spray ako ng pampabango kanina. Nagpalit na rin ako ng kurtina at mantel sa lamesa.
"Kuya, nandito na si kuya pogi!" Ang masayang tili ni Sam na nakadungaw sa bintana.
Napaayos ako ng upo at nasilip rin sa labas. Swabe siyang lumabas mula sa itim na sasakyan at saka nagpalinga-linga sa paligid.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Kahit simpleng collared shirt na puti at black pants lang ang suot niya kuhang-kuha niya pa rin ang atensyon ng mga mosang kong kapitbahay. Pati landlord ko napalabas ng bahay niya, Napakahayuf. Ang sarap lang tusukin ng mga mata.
"Kuya pogi!"
Nakuha ng pagsigaw ni Sam ang atensyon ni Rocket kaya napatingin ito sa direksyon namin. Tinanggal nito ang suot-suot na sunglasses at tinanguan ako nang magtagpo ang mga mata namin. Akala ko didiresto na siya pero lumapit pa siya sa backseat ng sasakyan at may kinuha mula doon. Pagkasara niya ng pintuan may bitbit na siyang paper bags at mga boquet.
Anong pakulo ng isang 'to?
Patuloy ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid kaya napairap na lang ako. Isinara ko ang bintana at sinamahan si Sam at Pandan na nag-aantay kay Rocket sa nakabukas naming pintuan. Dahil may kaliitan ang pintuan namin, kinailangan niya pang yumuko para makapasok.
"Hala, kegwapong bata!" Ang eksaheradang komento ni mama na kakababa lang sa hagdanan.
"Kuya, ang tangkad mo naman."
"Kuya, ang gwapo mo po para kang model."
Inulan ng papuri ang hayop na Rocket na ikinalaki ng ngite niya. Nilingon niya ako at nginisihan, para bang pinagyayabang kung gaano siya kagusto ng pamilya ko.
"Kayong dalawa, magmano kayo. Ba't nakatayo lang kayo diyan?" Ang sita ko sa mga kapatid ko.
Mabilis namang kinuha ng dalawa ang kamay ni Rocket na ikinagulat nito. Mukhang may na-realize din siya kaya dali-dali siyang lumapit kay mama at nagmano.
"It's a pleasure to meet you, tita. Rocket nga po pala, kaibigan ni Ville." Ang magalang niyang pakilala sa sarili habang inaabot kay mama ang isang paper bag at iyong boquet. Ibinigay naman niya kila pandan iyong mini boquet.
"Grabe naman ito, anak. Hindi mo na sana inabala ang sarili," ang gulantang na sabi ni mama sa kaniya. Pabalik-balik ang mga mata ni mama sa boquet saka kay Rocket.
"Gusto ko po kayong bilhan kaya sana tanggapin ninyo." Pinaningkitan ko siya ng mata pero ang loko di man lang ako tinapunan ng tingin. Tumingin siya sa kaniyang relos at masiglang nag-anunsyo, "Anyway, I think we should go. Baka ma-stuck tayo sa traffic. Ready na po ba kayo, tita?"
BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...