Ville Jet Abellar
"Nandito ka na?" Ang patay malisya kong tanong sa kaniya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinawid ang pagitan naming dalawa. Kinuha niya iyong hawak-hawak kong chicken at kumagat doon. Naupo na rin siya sa tabi ko.
"Ano ba!" Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin. "Pagkain ko 'yon eh."
"I paid for it," ang balik niya na ikinairap ko.
"Edi sa'yo na. Mabilaukan ka sana," ang irita kong sabi.
Hinarap ko na lang iyong computer para tapusin na iyong ginagawa ko. Nawalan na ako ng gana. Kung gusto niyang kumain, kainin niya lahat.
"Ba't ka nag-iinarte? Meron pa namang pagkain sa bucket." Ang tanong niya sa tabi ko.
Hindi ko siya pinansin. Alam naman pala niyang may pagkain sa bucket so bakit niya kinuha ang manok ko? Ang totoo, gusto niya lang akong api-apihin. 'Pag ako yumaman papatayo ako ng kainan tas ib-ban ko 'tong hayop na 'to.
May sumundot sa pisnge ko. Amoy na amoy kong manok iyon. "Seriously? You're angry dahil lang do'n?"
Huh? May galit ba dito? Wala naman akong nakikita.
Mas lalo kong binilisan ang pagt-type sa keyboard, hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi napansin. Akala ko lumabas na siya kaya nang malapit na akong matapos ay tatayo na dapat ako para uminom sana ng tubig.
Napatili ako nang paglingon ko sa kilid ay nandoon pa rin siya at nagc-cellphone lang pala. "Gago ka!"
Tinaasan niya ako ng kilay. "What?"
Napailing na lamang ako. Iniwan ko siya doon at nagtungo sa water dispenser niyang may hot and cold. Taray talaga! 'Yong sa amin kasi 'yong nabibili sa shoppee yong ch-in-a-charge ta's pinapasok lang sa butas sa ibabaw ng galon.
Bumalik na ako sa upuan ko at padabog na naupo. Magt-type na dapat ulit ako nang inikot niya ang upuan ko paharap sa kaniya. Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Problema mo?"
Kinuha niya ang pitaka niya mula sa bulsa at bumunot doon ng isa...dalawa...tatlo...lima...walo...sampu. Sampu! Shutek! Bumunot lang naman siya ng sampung one thousand bill sa pitaka niya.
Lord, kelan kaya ako magkakaroon ng ganiyan sa pitaka ko? Gusto ko ngayon na.
Nagtitigan kaming dalawa nang isara niya ang pitaka. Nginitian ko siya. Siya naman ngayon ang naningkit ang mga mata.
"Mukha ka talagang pera ano?" Ang maangas niyang tanong sa akin.
Umingos ako. "Loud and proud."
Sinamaan niya lang ako ng tingin bago iniabot sa akin ang pera. Nagningning ang mga mata kong tinanggap iyon. Para lang sa pagsama sa kaniya?! What if sumama na lang ako sa kaniya forever? Kaya ko namang magpaka-plastic.
Tuwid na tuwid pa iyong pera at parang ngayon lang nasilayan ang mundong ibabaw. Inilapit ko iyon sa ilong ko at inamoy. Amoy pangbayad kuryente, tubig, wifi at shoppee.
BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...