19

11.8K 589 506
                                    

Ville Jet Abellar

6:30 na ng hapon nang mapagdesisyonan namin ni Jasper na tumigil sa ginagawa. Marami na rin naman kaming nagawa at kaunting retouch na lang ang kailangan sa project nila.

Napatingin ako sa cellphone ko na inosenteng nakapatong sa ibabaw ng lamesa dito sa balkonahe. Pinanliitan ko ito ng mata. Nakakapagtaka na ang tahimik naman nito? Kanina ko pa hinihintay ang reply ni Rocket kung anong oras kami magkikita ngayong gabi or kung postponed na ba o ano. 

Malay ko ba kung enjoy na enjoy siyang makipaglampungan kay Blythe di ba?

Main income calling...

Mabilis kong inabot ang phone at sinagot ang tawag. Aba, sayang din ang pera. Kailangan nating kumayod at para hindi tayo mamatay sa ekonomiyang ito. 

"What time do you end?" Ang kaagad niyang tanong sa akin pagkasagot ko ng tawag. 

Napataas ang kilay ko sa tono ng boses niya. Ba't tunog tatay na nag-aabang ng anak na hindi nagpaalam ang peg ng isang 'to?

"End na. Hinihintay ko na lang si Jasper, ihahatid niya raw ako pauwi. Kung pagpapatuloy mo 'yong study session natin ngayong araw doon na lang ako sa may mall magpapa-drop," ang sagot ko sa kaniya habang napapatingin sa bagong dating na Jasper. 

"San mo gustong kumain?" Ang tanong sa akin ni Jasper nang makalapit siya sa akin. "Or you wanna stay over? Naayos na ni Jose ang theater pwede tayong manood ng movies." 

"Hoy talaga?! Hindi naman ako maarte sa pagkain, magluto na lang tayo ng noodles saka beefloaf pang dinner."

Kaagad na kuminang ang mga mata ko sa chinika niya sa akin. Kanina kasi nilibot niya 'ko sa bahay nila tas napadpad kami sa theater room nila. Gagi, beh! May sarili silang director's club na sinehan. Hindi kinaya ng loklok at bilibili ko ang kayamanan nila. 

Mahinang natawa si Jasper saka niya ginulo ang buhok ko. "Magpapaluto na lang ako ng dinner kay kuya Pablo. Diyan ka na muna. Papalinisan ko na lang din ang guest room or baka mas gusto mong tumabi sa akin?"

Isang nandidiring tingin ang ibinato ko sa kaniya bago ko siya pinakyuhan. "Lumayas ka na nga."

"Why are you making plans with him when you've got plans with me today?" Ang tanong ni Rocket sa kabilang linya. Nandito pa pala 'to kala ko sumama na sa kadiliman. 

"Ay, nandiyan ka pa pala," ang pange-eme ko sa kaniya. "Mag-enjoy ka na muna diyan sa date mo, bukas na lang tayo mag-meet kasama ng mga ka-group mo."

"Are you fucking kidding me right now, Ville?" May diin ang pagkakabigkas niya sa bawat salita habang tinatanong ako.

Mahina akong napalunok at maayos na naupo. "Tunog nagbibiro ba ako?"

"So we're doing this shit now? Fine."

Napairap ako nang biglang naputol ang tawag. Abnormal. Siya na nga binigyan ng consideration siya pa ang galit. Di ko maintindihan ang utak ng isang 'to.

Pero, wait...

Pano 'yong double pay ko? Hala!

Sinamaan ko ng tingin ang message box ng hayop na Rocket bago ko ito binaliktad at kinuha si Feby. Inabala ko na lamang ang sarili sa pakikipaglaro kay Feby bago ko pa tawagan ulit ang hayop na Rocket na 'yon at pagmumurahin.

Mismatch With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon