Ville Jet Abellar
Tanaw ko hindi kalayuan ang mga ka-teammates ni Rocket sa football. Maingay nilang sinalubong si Rocket na pababa ng stage. Marami pang nag-aabang sa kaniya para i-congratulate siya.
Nakangite ko lang siyang tinanaw. Hindi ko siya ib-bash ngayon kung magf-feeling siya kasi alam ko namang pinaghirapan niya iyan.
Pinanood ko lang siya saglit bago ako lumabas doon. Medyo madami pang lumalabas sa gate kaya naupo muna ako sa playground ng elementary dept. at nag-scroll ng mga paninirang puri ni Analyn Restricted sa fb.
Main income 🤑👌:
Asan ka?Ville:
Sa New York, kumakain ng hotdog at taho.Main income 🤑👌:
Isa.Ville:
Bakit ba? Naglalakad na ako pauwi.Main income 🤑👌:
Samahan mo 'ko kumain sa labas. My treat.Ville:
Saan ka? Ako na pupunta sa'yo.Main income 🤑👌:
Palabas na ng gym. Meet me at the parking lot.Ville:
Gooooo!!
Kaagad kong tinungo ang parking lot at hinanap ang sasakyan niya doon. Hindi naman na mahirap hanapin ang sasakyan niya dahil kunti na lang ang mga sasakyan sa loob. Nakasandal lang din siya sa labas nito.
"Hoy!" Tawag ko sa kaniya nang makalapit na ako.
"Ang tagal mo," ang busangot niyang salubong sa akin.
Hindi ko na siya pinatulan at baka magsuntukan pa kami dito. Sa halip ay ibinigay ko sa kaniya ang mga napitas kong bulaklak sa playground at nadaanang mga landscape keme keme ng school. Aster, sunflower at marigold lang naman.
"Seriously?" Ang taas kilay niyang tanong sa akin na may ngite sa mga labi. "Is this mine?"
Happy yarn?
"Oo, reward ko sa'yo bilang tutor mo. Meaning magaling akong tutor. Tataasan ko na ang talent fee ko sa'yo," ang pange-eme ko sa kaniya.
Pero nahahawa na rin ako sa lecheng ngiteng 'yan. Ba't parang tuwang-tuwa siya diyan sa bulaklak eh pinagpipitas ko lang naman 'yan. Malay niya may mga pesticides pala 'yan di ba?
"Whatever you say. Tara na, I'm hun—"
Bago pa kami makatakas sa impyernong ito ay naabutan na kami ng mga alagad ni Satanas aka ang mga alagad ni Rocket sa football.
"Uy, bro! Congrats! Tara na sa bahay ni Cohen. He prepared something for you," ani nong vice captain ng team na si Jiwon, ang koreanong may saltik sa ulo.
"Pass mun—"
Sabay-sabay na nag-ingay ang mga ka-teammates niya at malakas na nagkantyawan. Tangina pag magb-barkada kahit sino maiingay talaga.
"Wala na, bro, mahina na 'to. Tumatanggi na," ang panunuya nong Bernard. Huwag niyo akong tanungin kung bakit ko sila kilala lahat. Bukod sa mga dakilang hambog ang mga 'to ay madami din silang mga fans galing ibang school. Jusko, ang jejemon.
BINABASA MO ANG
Mismatch With The Playboy
Teen FictionRocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school never heard his exes bad-mouth him. Wala itong naging reklamo sa lalaki bukod sa mabilisan nitong pa...