TCOT6

380 9 0
                                    

"Huy! Picture muna dali! Mamaya 'di na tayo makakapagpicture masiyado at busy na," wika ni Mich na ngayon ay nasa Midnight's.

Kakapakilala ko lang sa kanila ngayon kina Mommy. Nandito rin si Emory at nag-cr lang saglit.

"Bagay sa 'yo ang bangs, Mid!" Mich complimented me and fixed my hair.

"Sino ba 'yang suot mo?" Emory asked while walking toward us.

"It's one of the main character in my favorite anime! Hozuki Satowa!" I exclaimed.

Napasimangot naman si Mich. "Kung alam ko lang sana na p'wede 'yong mga ganiyan e 'di sana hindi ako nagbihis mukhang manananggal!" reklamo nito.

Emory and I chuckled. Si Emory naman naka-costume ng Emily sa Corpse Bride. Kung makikita ang hitsura ni Mich, nakacrop-top siya na maluwag tapos may parang make up na blood sa bandang tiyan niya. Magulo ang buhok at may maliit na pakpak na color black sa likod niya. Sa pang-ibaba naman niya ay tsinelas at palda na ang haba ay umaabot malapit sa kaniyang paa.

"Ang ganda-ganda n'yo!" bulalas pa ulit ni Mich.

Napatingin naman ako sa salamin. May fake bangs ako na nabili sa shopee at mas tinuwid ko pa ang buhok ko. Nakasuot ako na parang uniform sa japan dahil gano'n madalas ang suotin ni Hozuki at may dala akong maliit na parang koto. Gawa-gawa lamang naman ito at hindi talagang totoo. Mabigat 'yon e!

"Girls, nandiyan na si Thunder. Hatid na niya kayo papuntang school," ani Mommy.

We all nodded and I kissed Mom's cheeks before getting inside the car.

"Enjoy ladies!"

May Halloween Party kasi ang Academe ngayon. Lahat ng course ay invited. Sa circle gaganapin kasi malawak naman ito. May mga kaunting booths din saka pagkain.

"Welcome to Academe Manila's Spooky Night! Let's enjoy the night!"

May mga patugtugan din sila na hinanda kaya napapasayaw at indak naman kaming tatlo nina Emory. Iginala ko ang mata ko para hanapin si Sian.

"Nasa'n kaya sina Sian?" tanong ko nang hindi na mapakali kakahanap sa kaniya.

"Sabi ni Pierre ay nandito na raw sila kanina pa. Hindi ko lang alam kung kasama si Sian kasi hindi naman siya pala-dalo sa mga events tulad nito e," banggit ni Mich.

"There they are!"

My eyes followed Mich's hand, pointing something in my back.

Agad na hinanap ng mata ko ang mga mata niya. I am shocked to know that he is also staring at me. He's just wearing a white polo shirt with few red stains and a black slack. His hair was brushed backwards and he's wearing an earring!?

Hot.

"Hi!" sigaw kong bati bago lumapit sa pwesto kung saan sila naroon.

Sian looked away and I noticed how his lips touched the mouth of the glass he's holding.

"You look awesome! And... hot," I complimented him.

I blushed when I remembered that we are with our friends.

Napailing na lang sina Pierre at Caden habang nakangiti habang tumatawa naman si Jio. And there's Bryan who is looking at us with a small smile.

I glanced at Sian again. He looked at me and raised one of his eyebrow before he put down his drink.

Gwapo naman ng crush ko!

Hindi naman nagsasalita si Sian at nakipagkulitan na lang kami nina Mich kina Jio.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now