TCOT24

994 17 4
                                    

"You're back.."  

I blinked. Internally, I panicked.

"A-Ah.. w-wait. Mom just messaged me. Kailangan ng kasama ni Ate Jera," I glanced at Mich and Emory. "Baka 'di na 'ko makasama sa inyo, ha. I have to go."

"Is that so? Okay! Should we drive you home ba?" tanong ni Mich.

I shook my head. "Uh, no. Kaya ko namang mag-drive." Lumingon ako sa banda nina Bryan at... Sian. "U-Uh... nice to see you both again. I-I really have to g-go," nauutal kong paalam.

Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila dahil naglakad na ako palayo at nagkunwaring may binubuklat ako sa aking bag kahit wala naman.

Shit. Halata bang tensed ako!? Bigla namang tumunog ang phone ko habang ako'y naglalakad patungo sa kotse ko.

Leon is calling...

I accepted the call.

"What?" bungad ko.

I heard him chuckled.

(Sungit ni Madam. Sa'n ka?)

"Sa balunbalunan mo," inis na sabi ko at umirap sa hangin.

(Aguy, 'wag, 'te. Mahal ko buhay ko.) Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. (Sama ka sa'min ng bebe ko next time. Mag-dinner kami.)

Magsasalita pa sana ako ng umimik muli siya.

('Di ka magthird wheel. Kasama ang ibang friends niya. May mga lalaki do'n. Ipareto kita.)

"Ano tingin mo sa'kin? Uhaw?"

(Oo.) He laughed. (Ano nga? Sama ka?)

"Ano ba oras?"

(Mga 7PM siguro, gano'n. Basta balitaan ulit kita. Magpaganda at dress ka, ha!)

"Ano 'yan, date?"

(Para kasunod ng group bonding. Makipagdate ka na nga. Tulungan kita pumili.) Natawa muli siya pati na rin ako.

Mas maalam pa sa'kin 'tong pakialamero na 'to sa lovelife ko.

"Oo na. Sige, see y-"

"Midnight," I heard a baritone voice behins me.

'Wag mo sabihing?

When I turned, I saw him holding a handkerchief in his hand.

(Huy, gago, sino 'yan!?)

"I'll talk to you later. Bye," agad na ibinaba ko ang tawag. Lumingon naman ako sa lalaking nasa harapan ko. "B-Bakit?"

Oo, at bakit ka nauutal, Midnight!?

"Your handkerchief," saad niya at iniabot sa aking unahan ang panyo.

I looked at it. Hindi naman 'yon sa akin. Wala akong natatandaan ding naihulog ko ang panyo ko.

"Hindi akin 'yan."

He lifted his brow. "Oh? Kanino 'to?"

Napakunot ang noo ko sa kaniya dahil hindi tulad noon na seryoso lamang siya, nagmukha siyang sarkastiko ngayon at mukhang... mayabang... tingnan.

"I don't know. Baka sa ibang tao. I really have to go," banggit ko at akmang tatalikod na.

He let out a chuckle. "Parang 'di ka naman nagmamadali."

Humarap muli ako sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay.

He smirked and turned his back. He started walking away.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now