TCOT9

357 13 6
                                    

Puti.

'Yon ang nakikita ko ngayon pagmulat ng mga mata ko.

Anong nangyari sa 'kin? Hala! Bakit puti nakikita ko!?

"Gising na siya." Dinig kong boses sa gilid ko.

Lumingon ako at napagtantong nasa clinic nga pala ako. Napasapo ako sa noo sa kapraningan ko!

"Kanina pa uwian, 'te! Nandito si Emory kanina kaso may emergency ata. Bilin din ni Chef ay magpahinga ka raw muna sa inyo, inform mo na lang daw siya kapag okay ka na," pagpapaliwanag sa akin ni Mich na nagsisimula na igayak ang gamit niya.

"Okay ka na ba?" She added.

I nodded, I felt fine.

"Si Sian?" Tanong ko kay Mich.

Pinanlisikan niya ako ng mata. May mga narinig naman akong mahinang tawa sa likod ni Mich, malapit sa pinto. Sina Sian!

"So this is love..." pakanta-kanta pa ni Jio.

"Akin ka na lang..." gatong na kanta naman ni Pierre!

Napasulyap ako kay Sian, nang makitang nakatingin siya sa akin ay bigla akong umiwas ng tingin.

"Sian ka pa ha," bulong ni Mich at tumawa.

"Iingatan ko ang puso mo," Pierre and Jio sang together.

"Ang ingay naman no'n, Mich..." reklamo ko at tinakpan kunwari ang tainga ko.

"Ganda kaya ng boses namin!" angal ni Jio.

"May naririnig ka, Mich?" patay-malisya ko.

Umiling-iling na lang si Mich at tumawa.

"Tara na at iuuwi na kita!" Mich said.

"Bakit naman, Mich? Nandito ang home oh!" asar pa ni Pierre at tinuro-turo ang kaibigan niya.

Sumasakit ulo ko sa ingay ng mga 'to e! Okay na kaya si Sian? Okay pa kaya siya sa ingay ng mga kaibigan niya? Lumingon muli ako sa kaniya na ngayon ay naiiling na lang sa kaibigan niya.

"Magko-commute ba kayo?"

Boses ba 'yon ni Bryan?

Ay, oo nga. Nandito pala siya. 'Di ko gaano napansin dahil medyo malayo siya kina Sian.

"Oo," sagot ni Mich.

"Sabay na kayo sa 'kin. Hatid ko kayo," anyaya ni Bryan.

"Sige ba! Sure! Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya!?" masayang pagsang-ayon ng kaibigan ko.

Nauna na silang maglakad. Nasa may bandang likod kami ni Mich dahil inaalalayan niya rin ako. Baka matumba raw ako! Eh kaya ko na naman.

Nauuna sa amin nang kaunti si Bryan at Sian samantalang sina Jio naman ay naghaharutan sa pinakang-unahan.

Nakatingin lamang ako sa likudan ni Sian. Kahit likod ang gwapo tingnan!

"Dadaan lang kami nina Jio sa 7/11, okay lang? Babalikan ko kayo ni Mich," ani Bryan.

"Hala! Sama ako! May bibilhin din ako!" si Mich.

"Huy, mag-iisa rito si Mid!" obvious na sabi ni Jio.

"I won't come with you."

Lahat kami ay napatingin sa taong nagsalita.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa aming anim.

"So... dito ka lang?" Nakangising tanong ni Pierre.

"Oo."

"'Yon naman pala. Tara na!"

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now