TCOT10

448 12 6
                                    

I want to dedicate this chapter to Ms. Bautista 415. (I can't mention you but I hope you know this is you.)

Thank you for constantly reading, commenting and voting in every chapter. :))

-------

Tanga na kung tanga talaga ako. Gusto ko pa rin talaga si Sian.

No'ng una simpleng crush at trip ko lang talaga pero kalaunan lalo na nung tinutukso-tukso kami mas napapansin ko lang siya.

'Yong mga pag-irap niya, mga mata niyang matalim ang titig, ang katahimikan niya, malalim niyang boses at pagiging masungit niya.

May gano'n kaya talaga? Basta mo na lang din nagustuhan?

Alam ko namang delikado na simula pa lang dahil sa may ibang gusto pero wala naman siyang niligawan o girlfriend o 'di kaya'y asawa kaya ayos lang naman siguro 'yong paganon-ganon ko.

After that night, we remained normal. Ako nangungulit sa kaniya samantalang siya ay masungit na paminsan-minsang nasagot o kaya'y hindi.

Si Bryan naman ang madalas ko nakakausap sa Instagram no'ng mga kasunod na araw kong pahinga. Nothing special, we just talked about trending stuff such as clothes, foods and more. Random lang talaga.

I'm now at the Skills Competition that I was preparing. Opening Ceremony ngayon at ang ibang estudyante sa ibang course sa Academe Manila ang kasama namin nina Chef at Ma'am Remojo— isa pa naming mentor. Sa araw na 'to ipapaliwanag ang mga mechanics at iba pang impormasyon na magaganap sa kompetisyon na ito. Nakasabit din sa paligid ang mga pangalan at school na kalahok.

Pinuntahan ako nina Mommy at Kuya Cloud kahapon no'ng bumyahe na kami rito nina Chef. Nagdala sila nang kaunting pagkain para sa amin.

"Hi! Sa Bakery ka rin?" ani ng isang babae na lumapit sa tarpaulin kung saan nakalagay ang mga kalahok sa Bakery.

I nodded and smiled. "Ikaw?"

"Same! I'm Trish! You?" paglalahad nito sa akin ng kaniyang kamay.

I reached for her hand. "Midnight."

Her mouth formed an 'O'.

"Cool!"

I only smiled. Umalis na rin siya agad dahil tinawag siya ng mga kasamahan niya.

I took a video of the venue and uploaded it on Instagram with a caption This is it! Goodluck to all the competitors!

"Midnight, photo opt daw," tawag sa akin ni Chef.

"One... two... three!"

Nag-rent sila ng apartment na good for 1 week dito na kakilala ng CEO ng school namin ang may ari rito. No'ng bandang gabi ay kinain namin 'yong mga pagkain na dala nina Mommy kahapon at nagbili pa ng iba. Ako lang ang babae na student dito na representative ng school namin. 'Yong tatlong lalaki rito ay nasa category ng Electrical Installation at Welding Technology habang 'yong isa naman ay assistant ko.

"Midnight, gusto mo raw ba ng spaghetti? Mayro'n sa baba," tanong sa akin ni Viel— competitor sa Electrical Installation.

Nandito kasi ako ngayon sa second floor ng apartment. Up and down kasi kinuha nina Chef. Sila naman ay nasa baba at ang ibang mga mentors ay iinom daw nang kaunti.

"Tawag ka rin nina Ma'am Remojo at Ma'am Garcia," dagdag ulit nito.

I glanced at him and nodded. "Sunod ako."

"Sabay na tayo," saad nito.

I raised my eyebrow before standing up. I walked towards him. "Tara."

Pagkababa namin ay inabutan ako nina Ma'am ng pagkain. Sina Patrick at Nell ay kumakain na rin.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now