TCOT16

1.1K 38 16
                                    

"M-Mommy..." nanghihina kong tawag at umiiyak pa rin.

"Diyos ko, Midnight! Anong nangyari sa 'yo? Zeus! Zeus, ang anak natin!" nagpa-panic na tawag ni Mommy kay Daddy.

Paano ay nakalupagi ako ngayon sa sahig sa Midnight's. I was thankful that no accident happened when I was driving. Wala rin gaanong tao ngayon sa Midnight's dahil gabi na. Malapit na magsara ang Resto.

"What the fuck happened, Mid!?" Galit na galit na tanong ni Daddy.

Tinakpan ko muli ang mukha ko at napaiyak. They look really concerned and worried. Mahal na mahal nila ako. Sila, mahal na mahal nila ako. Mahal...

"I-I'm okay po. Walang masamang nangyari," sabi ko habang humihikbi mang tuloy-tuloy.

Naramdaman ko ang malaking yakap sa akin na kung 'di ako nagkakamali ay si Daddy 'yon.

"Sshh. Daddy is here."

Mas humagulhol pa ako. Nandiyan siya. Nandiyan daw siya. Na kahit pakiramdam ko kanina ay nag-iisa ako, nandiyan siya.

"I love you, anak." Si Mommy.

I cried and cried that night. I let my tears burst. I let it all out. Umiiyak ang puso ko. Hindi ko maintindihan bakit sobrang sakit kahit sobrang bilis lang ng mga panahon na 'yon. Bakit masakit kung mabilis naman? Bakit masakit kung alam ko namang simula una ay may mahal siyang iba? Bakit masakit kahit na alam kong baka hindi ako sa dulo? Bakit masakit? Bakit hindi na lang ako? I am heartbroken because of the love that did not even exist to the both of us. Only the love I have for him. I love him... I love him very very very much that I almost forgot how to love myself again.. I almost lose myself.

I cried realizing that in the end, I won't get him. We won't be together. He won't love me... because I am not the person he loves

I cried because I felt betrayed... But still knowing that I have my family to lean on. Na sa dulo, alam kong may magmamahal sa akin. Na hindi ako niloloko at pinagkakaisahan. Na mahal na mahal ako at binibigay ang mga bagay na dapat para sa akin. Na mahalaga ang tingin sa akin. Na tao ako.

I closed my eyes, carrying this new wound... inside of me.

Kinabukasan ay nilagnat ako kaya hindi ako pinapasok nina Mommy. Tumawag na rin si Kuya Thunder sa akin. Nag-sorry siya kasi hindi siya makapunta sa akin dahil hectic ang schedule niya at strict masiyado ang manager niya. Si Kuya Cloud naman ay nakabisita kanina kasama ang girlfriend niya. Sina Mommy naman ay hindi nagtanong. Alam nila kung kailan ko gusto sabihin or kung gusto ko ba pag-usapan. I appreciate that.

May mga oras na umiiyak ulit ako sa sakit na naramdaman at natuklasan ko. Nag-message rin si Bryan sa akin at nagtanong kung bakit 'di raw ako pumasok. Hindi na ako nagreply. Hindi pa ako handang makausap muli siya, o magiging handa pa ba ako?

I deactivated my Instagram and Facebook. Pati na rin Twitter kahit hindi ko naman madalas 'yon gamitin.

Bumaba na ang lagnat ko nung gabi kaya napagpasyahan ko na pumasok kinabukasan.

Hindi ko alam kung tapos ko na ba pagluksaan ang nangyari o ano ba talaga ang lagay ng puso ko. Naiisip ko pa rin siya pero hindi ko alam kung sa'n na ba talaga ako pupuwesto o lulugar. That day drained my energy. I don't know what should I do or what should I say. I pity myself for all the embarassment I have now felt.

Nang papasok na sana ako sa department namin ay may narinig akong nag-uusap. Familiar, so I decided to stop. Bakit kaya ganito lagi ang eksena?

"Anong ako? Kasalanan ko lang?"

Boses ni Caden.

"Alam mong ayaw kong makialam sa kung ano man ang namamagitan kina Sian at Midnight. Pero lumapit ka! Saka, ano ba!? Ni hindi ko rin alam bakit nagdeactivate ng accounts si Mid! Bakit? Bakit n'yo hinahanap 'yong isa?" pasigaw na sambit na wari ko'y si Emory. "Ginawa ko na nga 'yong sinabi mo, 'di ba? At oo, aksidente kong narinig no'n na dumating na pala si Ate Portia at sa nangyari kay Ate Sage pati sa boyfriend niya! Hindi naman ako nagbanggit ng kahit ano kay Mid. Kahit ramdam na ramdam ko na nasasaktan na 'yong kaibigan ko!"

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now