Fae's Note

410 5 8
                                    

Thank you!

From the bottom of my heart, thank you.

Matagal na akong nagsusulat at gumagawa ng kuwento ko. Matagal na maraming ideya sa aking isipan na gusto kong isulat. Marahil sa dami ng gawain at responsibilidad ko sa buhay kaya hindi ko naitutuloy ang iba. Pati na rin katamadan ay umiiral sa akin madalas.

Buong puso akong nagpapasalamat sa inyong pagbabasa at pagsubaybay sa aking likha. Sa tuwing nababasa ko ang inyong mga komento at reaksyon sa aking mga ini-upload na pahina ng aking kuwento ay masaya talaga ako. Swear!

Masaya ang puso kong nalalaman na napapatawa kayo ng ibang linya na isinulat ko. Masaktan sa mga pangyayari sa TCOT at sabay umiyak kasama ko pati na rin ng kuwento nina Midnight at Sian.

Thank you sa pagmamahal sa kanilang dalawa. Sa pagtanggap sa aking Sian at Midnight!

Maraming salamat at pasensiya na kayo sa inyong pagtitiis sa mga typo ko at mga maling english ko. Aware ako roon at talagang napapasapo ako sa noo at kahihiyan kapag nakakabasa ako ng mali ko pero alam ko na matutunan ko pa rin ang mga pagkakamaling iyon dito.

I want to improve more and I hope when I am in that process, nandiyan pa rin kayo.

Sana ay marami rin kayong napagtanto at natutunan sa istoryang ito.

Maraming pagkakamali tayong magawa, may panahon pa para ito ay itama. Marami pang bukas na puwedeng magbago ang tadhana, basta tama at totoo ang desisyon mo. May mga pagsisisihan man tayo, marami pa rin tayong matututunan.

Huwag tayong matakot na masaktan. Kakambal iyon ng buhay.

Sa pagsusulat ng kuwentong ito, maraming beses akong umiyak at muntikan ng sumuko.

Masakit na masaya na nandito pa rin ako at itinitipa ang mga ito. Buhay pa rin at nagpapatuloy. Lagi't lagi akong hahanap ng dahilan para magpatuloy. Sana ay kayo rin. May isang tao, isang bagay, isang rason.. para magpatuloy pa.

It will be worth it. Sa mga susunod pang taon, magiging mas masaya ka. Mas masaya tayo.

Maraming salamat muli sa pagmamahal at pagbabasa sa kuwentong ito.

Nandito ka na sa pagtatapos.

See you next year!

Hindi na makapaghintay ang mga characters ko sa series at epistolary na gagawin ko, e. Hindi ko alam kung anong mauuna sa dalawa pero nakahanda na 'yang mga 'yan.

PERFORM SERIES HINT- Nabasa at napansin n'yo na ang characters ng series sa story na 'to. 👀

Kung finafollow n'yo ako sa twitter at tiktok, you can use #TCOTEnd para sa reaction n'yo at comments sa story na 'to. Kung ikakaimprove ko rin 'yan, keriboom! Maraming salamat sa pagbabasa!

My Socials:
FB- Aerifaery Wp
Twitter- aerifaerywp
Tiktok- aerifaerywp

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now