TCOT26

1K 22 7
                                    

This chapter is dedicated to these people who I always see in my notification. I really really appreciate you, all of you guys! Down to 4 chapters!

Lightryn, maeceeee13, iam_not_pia, pringnessy, jera0629, KristineBautista415, AdalliyahValverde, MonicDelaCruz848, beth12345668

------

Hindi ko alam kung saan kami banda naglusot para lang makalabas ng Midnight's.

When we stopped, we both catched our breath.

"Ba't mo... 'ko... hinila?" hinihingal na sabi ko.

Tinaasan niya ako ng isa niyang kilay at nagkibit-balikat.

"Babalik na ako ro'n," biglang sabi ko.

Akmang tatalikod na sana ako nang hinawakan niya ang braso ko dahilan ng pagkahinto ko.

"Hinila nga kita para makaalis tayo do'n then you'll leave me here?"

I made a face. "Sinabi ko bang gusto ko sumama sa'yo?"

Binitawan niya ang braso ko at umiwas ng tingin.

"I... I-I'm sorry. I should have asked permission first," mahinang sambit nito.

Bumuntong hininga ako. "Okay na. Nandito na tayo sa labas, e. Sige na, balik na lang ako kotse ko. Pumunta ka na sa pupuntahan mo man," saad ko.

When I was about to leave, he called me by my name again.

"Ano?"

"'Di ka g-gutom?" He asked me while scratching the back of his head.

"Bakit?" tanong ko pabalik.

"Baka nagugutom ka... Kain tayo?"

I almost rolled my eyes because he was acting shy. Hindi ko gets kung aware na ba ako na ganito siya dati o hindi talaga siya ganito noon.

Pumasok kami sa isang restaurant malayo-layo sa Midnight's. May mga tao rin sa loob nito. Nag-order na kami ng pagkain at naghihintay na lang mai-serve ang mga naorder namin.

"So..." pag-imik ni Sian.

Napatingin naman ako sa kaniya at naghihintay ng kaniyang sasabihin.

"Ano?"

"'Di ka na madalas sa social media?"

"'Di na."

"Ah. B-Bakit?" nakatinging tanong nito.

"Bakit mo tinatanong?"

He scratched the back of his head like it was itchy again. "I f-followed you. I was waiting for you to update pero... kaya pala. You're not active on social media."

I nodded as a response to him. Silence is in between us.

"B-But... when will you be active again?"

"Ba't mo tinatanong?"

"Masama ba magtanong?"

"Hindi naman."

Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman pala."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang mayro'n ngayong araw na ito at medyo weird din siya talaga?

When the food was served, we started eating. He was constantly asking me how was the food and other stuff so we won't be silent. I appreciate that.

Nang matapos siya kumain ay may inuubos pa ako na pagkain na ini-order ko. Masyado kasi siyang mabilis kumain samantalang may nginunguya pa ang bibig ko. I noticed him looking at me, watching me.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now