TCOT19

1.2K 26 6
                                    

"W-Wait..." I felt someone holding my arm.

When I turned, it was Sian. He looks confused but hurt. Parang ang sarap maniwalang nasasaktan talaga siya. Hindi na alam ng puso ko.

"M-Mid.. I am really s-sorry. I am sorry for... hurting you. Ang gago ko rin e," he chuckled with no humor in it. "I... I was confused. I was confused... sa totoong nararamdaman ko sa 'yo. I've been inlove with P-Portia... 'yon palagi ang nasa isip ko. That I love h-her... but then you came. You suddenly pops in my mind whenever I tried to think about her. Y-You constantly follow me, message me and talks to me. Hanggang sa nakakasanayan. A-Andyan ka pa rin kahit nasusungitan kita.. d-despite it all..."

I looked at him straight in the eyes as he did the same. Wari mo'y nagmamakaawa ang kaniyang mga mata. Ang bigat na naman ng nararamdaman ko. Gusto ko na lang magpahinga. Ipahinga lahat ng pagod na nararamdaman ko ngayon.

"Dumating sa part na nalilito ako. Kung a-ano nga ba ang nararamdaman ko sa 'yo... I tried suppressing it but sometimes hindi ko na alam kung bakit ginagawa ko ang mga bagay-bagay sa 'yo. You w-were different. Until the point that you were no longer t-talking to me. Hindi ka na masigla masiyado, 'di kagaya ng dati. I know... I know I am a jerk. It was my fault. My mixed signals made you confuse too," pagpapatuloy nito habang ang nga mata'y nagsusumamo sa akin.

Umiwas ako ng tingin at naiiyak na naman.

"S-Sorry..." He reached for my hands. "I'm s-sorry, I am such a jerk. I'm sorry I hurt you. I'm sorry you liked someone like me. I loved P-Portia... But I came to a realization that the feelings that lingers within me now is not love for her. Baka hindi ko lang natanggap dati kaya kumapit pa rin ako, we didn't have a proper conversation when she left. Akala ko ay pagmamahal pa r-rin."

Mahal na mahal niya talaga no'n si Portia. Wala na akong magagawa do'n. 'Yon ay isa sa katotohanang alam ko ngayon. Ayaw ko na makipagkompetensya sa puso ni Sian. Pagod na ako. Tama na ang gaguhan. Tama na ang panggagago sa puso ko.

"Until one day, nagigising na lang ako na... ikaw na ang hinahanap ko. Oo, gago ako. I know I am not deserving for the kind of love you can give... But... c-can I prove myself to you? Mid..."

Is he joking? Akala ba niya basta-basta na lang ang bagay na 'to? Oo, pinapatawad ko na sila pero hindi naman ako gano'n katanga para ipilit pa ang sarili ko sa kaniya gayong baka nasa puso pa rin niya si Portia.

"Sian. I don't understand you," iling ko rin, naguguluhan.

He held my hands. "Alam ko na... hindi ako deserving sa 'yo ngayon. But... I wil prove myself that I can be deserving to the kind of love you can give. I... like you... Midnight."

I shook my head and slowly let go of his hold. I stand firm.

"Baka nalilito ka pa rin. Baka magkamali ka na naman." Patuloy pa rin ang pag-iling ko. "Sa tingin mo ba kapani-paniwala 'yan ngayon? Sian, p-please. P-Pagod na ako... I'm giving up. Don't say things you don't m-mean."

His forehead creased and he immediately shook his head. "I'll p-prove it to you. Please give me chance."

Nakakaloko lang. Pakiramdam ko ay paglalaruan na naman ako. Akala ba niya ay matutuwa ako ngayon? Ngayon pa? Kung kelan sinusuko ko na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kung kailan nauubos na ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya noon. Ngayon pa.

Ganiyan e, you'll realize the worth when it's gone. Nung nandyan naman, hindi pinaghahanap. Nung may balak ng umalis, saka mapagtatanto na may halaga pala.

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga 'yan. Kung bakit niya sinasabing gusto niya ako. Baka naguilty siya? Baka gusto niya na mawala na talaga sa puso niya si Portia kaya ito gagamitin niya rin ako.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now