TCOT1

1.1K 19 2
                                    

Nagpapapadyak ako papasok sa bahay namin nang malaman ang balita sa mensahe sa akin ni Kuya Cloud sa messenger kanina.

Pagkapasok ko napatingin naman sa akin si Kuya Thunder.

"You already received the message?" He asked and arched his brow.

I rolled my eyes in disbelief, "Why are we going there ba, Kuya?"

I don't know why I’m being a brat right now pero nakakainis talaga!

Ilang years na akong namumuhay sa sulok ng lugar na ‘to at dito na ako bumuo ng mga memories ko in life tapos papalipatin kami roon?

I should be happy because my Mom and Dad were there. Saka si Kuya Cloud! Pero kahit na! Naiinis ako ngayon.

Day of the month ko ba?!

"They want us there. Isa pa, gusto ni Dad na nandoon ka para maturuan. P’wede ka magpupunta roon sa Midnight Resto para maturuan ka ni Dad sa course mo. Ayaw mo no’n?" Nakataas pa rin ang kilay ni Kuya Thunder habang pinapaliwanag sa akin ito.

Huminga ako nang malalim.

"I want to be there, Kuya. Pero paano na lang kasi life natin dito? We made a lot of memories here and I have friends!" Napaawang ang labi ko nang mabanggit ko ‘yong mga kaibigan ko.

Oo! Paano na lang mga tropa ko rito? Mamimiss ko sila pag nagkataon.

Kuya Thunder pat my head and chuckles, "You know what? You can always visit here kapag bakasyon niyo. And another thing... I'm thinking about entering the modelling world. That’s one of the reason why we’re going to Manila. Mom wants us to stay there for good. She doesn’t want to leave you here without me."

Huh? My forehead creased. I didn’t know he wanted to be a model!

I sighed and nodded.

Ilang araw na lang bago kami umalis ni Kuya dito sa Cagayan. Inasikaso ko na rin ang mga pinapaasikaso sa ’kin nina Kuya para maka-transfer ako ng school sa Manila.

Napatingin ako sa mga hawak kong papel. Ang tanda ko na talaga! I’m turning 22 na and nagsisimula na rin ang classes ngayong semester ng mga 3rd year pero ito ako at magtra-transfer.

Napatingin ako sa gilid ko nang makita ang mga kaibigan ko.

"Hoy! Ano ‘yan? Gago ka! Pa-saan kang animal ka!?" pasigaw na sabi sa akin ni Leon.

Isa siya sa pinakamatalik kong kaibigan simula pagkabata kaya ganiyan niya ako asar-asarin.

Napakunot ang noo ko. Hindi ba’t binalita ko na ‘to sa group chat namin? Ang tangang ‘to hindi nagbabasa!

"Sinabi ko kaya sa gc natin! Magbasa ka kaya, boy!" Pinandidilatan ko pa siya nang mata pagkatapos ay inirapan.

Inirapan niya rin ako pero lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Pangit, mag-iingat ka do’n ha? Hindi kita mamimiss. Magdiriwang pa ako kasi mawawalan ng pangit sa Madrigal University of Cagayan!" ngising aso na naman ’tong isang ’to.

Hinampas ko nga ang ulo. Gago talaga nito! Nagtawanan na lang kaming magtro-tropa sa asal naming dalawa.

"Mamimiss kita. Wala ng maganda sa Hospitality!" pabirong sambit ni Diana, girlfriend ng pinsan ko na si Zavian na naging kaibigan ko rin.

I flipped my hair, "Ako lang 'to guys! Enebe!"

Hospitality Management ang course na kinuha ko kasi gusto ko mag luto like Daddy!

Naalala ko pa noong 10 years old ako, nagpatayo si Daddy sa Manila ng isang restaurant at pinangalan sa ‘kin! Ang ganda nga eh, Midnight Resto... kasing ganda ko!

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now