TCOT4

374 10 5
                                    

"I'm so busy. Hindi na ako nakakasilay sa bibi ko," I said.

Totoo naman kasi. Feeling ko wala masiyadong ganap sa lovelife ko dahil busy sa schoolworks. Busy din naman sila kaya wala talagang interaction masiyado kung 'di sulyap lang sa canteen kapag makikita ko siya.

"Me too," Mich added.

"Manahimik na kayong dalawa riyan at magmasa na lang kayo diyan para mabuo na natin 'tong mga tinapay na 'to!" singit ni Emory.

Ito kami ngayon nagmamasa ng mga dough para sa ginagawa naming activity ngayon sa Bread and Pastry na subject.

Nakakainis! Sayang ang mga kuko ko no'n. Buti na lang 'di pa 'ko ulit nakakapagpa-salon kung 'di sayang lang 'yong gagawin ng nail artist sa kuko ko.

Butil-butil na pawis ko rito. Parang binubuhos ko galit ko. Feeling ko sobrang haggard ko na! Sana h'wag ako makitang ganito ni Sian.

"Ipagsasama-sama raw 'yong mga gawa natin. Kailangan ng pampatayo para maganda sabi ni Justin. Pampataas daw ng grades kapag maganda ang presentation sabi raw ni Chef sa kanilang leaders," abiso ni Camila, kagrupo at kaklase namin.

"Hanap din tayo ng pang-garnish para may buhay. Design-an na rin natin 'yong gilid at tuktok, bake kayo ng mga medyo matigas saka malambot para mai-shape natin," suhestyon ko.

Napatango naman ang mga kagrupo ko.

"Ito oh parsley! Idagdag na rin natin sa may gilid lang nung sa presentation natin para may green na color. Bubuuin ba natin o i-chop na lang natin?" tanong ni Emory.

"Mas maganda siguro kapag chopped. Maghanap na lang tayo ng iba pang p'wedeng pang-design," sabi naman ni Mich.

"Tara sa pantry, Mich. Hanap tayo roon. Sino sasama sa 'min?" si Christian.

May mga sumama naman na iba sa kanila para maghanap ng ibang ingredients pangdisenyo.

Napatingin ako sa bintana. Daming sumisilip sa amin. Ang kitchen lab kasi kung nasaan kami ay nadadaanan ng mga estudyante lalo na't malapit ito sa canteen ng school.

Nako-conscious tuloy ako sa pawisang ako.

"Mid! Ito mga nakuha namin," nakabalik na sina Mich bitbit ang mga dala nilang p'wedeng ipangdisenyo.

Kinuha ko naman ito at isa-isang nilagay sa gilid ng pinaglagyan namin ng mga tinapay.

Marami ang mga tinapay na ginawa namin na nakakalat sa ibaba ng aming lalagyan. May puting tela na nakabalot dito at nilagay namin doon ang maliliit na tinapay na ginawa namin.

Gumawa rin kami ng malalaking tinapay na ipinatong namin pataas. May malapad at patayo sa baba para maging base no'ng ilalagay pa namin sa taas. Dinagdagan pa namin ng malalaking tipak ng tinapay na disenyong puso at swan sa may tuktok.

"Nasaan 'yong parsley? Na-chop na ba?" pagtatanong ko.

"Ito," sabay lahad sa akin ni Emory.

Ibinudbod ko naman ito sa buong tinapay para magkaroon ng disensyo na parang glitters na kulay berde sa tinapay namin.

"Kuha kayo ng kaunting bread flour. Dusting tayo kaonti," dagdag ko.

Iniabot naman ito sa akin at kumuha ako ng strainer at ibinudbod ang flour sa tinapay namin.

"Sinulat ko na mga pangalan n'yo. Ipapasa ko na ito kay Chef," wika ni Justin.

"Picture-an natin!" Mich.

"Ganda ng paggagawa natin! Lalo na pagdesign mo, Mid! Galing!" pagpuri naman ni Camila.

"True! Kaya't lagi mo kami igu-grupo ni Mich ha!" pagtawa ni Emory.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now