TCOT13

441 11 7
                                    

"Tangina, yes! Tapos na finals! Walwalan na!" parang nanalo si Mich sa sigaw na 'to.

Katatapos lang ng examination namin at clearance na lang ang poproblemahin namin tapos bakasyon na.

"Sa'n kayo magbakasyon? Uy, road trip tayo!" suhestyon pa ni Mich.

"Gaga, ni wala nga tayong kotse eh," kontra ni Emory na ikinatawa niya.

Napakamot naman sa ulo si Mich at sumimangot. Nakitawa naman ako kay Emory dahil natatawa siya sa hitsura ni Mich ngayon. Busangot na busangot ang mukha ng babaita!

"Inuman na lang," sabi ni Emory.

Mukhang nagulat si Mich at napatayo pa. Nanlalaki ang mata. "Hala, true ba? Tara, tara! G na 'yan, g na!"

"Kahit naman ata finals o hindi bet na bet mo ang inuman. Kawawa atay mo 'te," natatawang puna ko.

"Gano'n talaga buhay," kibit niya.

Napagpasyahan naming mag-uli sa mall. Kumain muna kami bago kami naglibot-libot. Marami rin kaming pinasukan na mga stores para magtingin-tingin ng mga damit at sapatos.
Nakikitawa pa 'ko kina Mich at Emory nang biglang tumunog ang phone ko.

I opened it and Sian's message popped.

Sian Gray Dale: Where are you? Can't see you here at school.

Magtitipa na sana ako ng reply ko sa kaniya nang hilahin ako ni Mich. May ipapasukat sa 'kin!

"Grabe naman makahila 'te!" singhal ko.

"Tingin ka nang tingin sa cp mo 'no! Si Sian ba 'yan? Akin na, sabihin mo girls' time 'to! Bawal bebe time," reklamo nito.

Natawa naman ako sa inasal nito. "Bakit? Inggit ka? Miss na siguro ako ni Sian!" pang-aasar ko pa.

"Huy, 'te! Kayo na ba?" Nagtatakang tanong nito.

"Gaga, hindi 'no! Parang dati lang, medyo improving lang dahil nag-iinitiate siya minsan ng conversation," kuwento ko.

She shrugged. "Ay, ganern? Weak mo naman!"

I laughed. "Gano'n talaga. 'Di pa 'ko sinasagot e."

She tsked and jokingly rolled her eyes before laughing.

Wala namang masiyadong pinagbabago sa 'min ni Sian. Pero madalas nitong mga nakaraang linggo drained ang energy ko dahil sa finals, 'di kami masiyado nakakapag-usap pero madalas ay kinukulit ko pa rin siya. Natural siguro talaga na masungit na siya pero mabait din naman siya. Basta, ang gulo niya minsan! Natatawa na lang ako kapag naiisip ko kasi naguguluhan ako.

Nang makauwi ako sa bahay ay nando'n si Mommy. Kinuwento ko sa kaniya na gusto ko na sanang magkaroon ng sasakyan para naman hindi na ako nagpapasundo or nagko-commute na sobrang hassle sa 'kin lalo na no'ng finals! Minsan may nakakalimutan pa 'ko sa bahay tapos uuwi ako at magko-commute pabalik ng school.

Minsan ay sumasama ako sa grupo nina Sian sa condo niya. Kapag may activity or assignment, do'n na 'ko gumagawa. Imbis na tumambay sa coffee shops, bumibili na lang ako ng matcha then diretso ako sa condo nina Sian. 'Yon ay kapag nando'n lang 'yong mga kaibigan niya. Minsan naman at inihahatid ako ni Bry sa bahay dahil ayokong mapagod si Sian paghahatid sa 'kin tapos pag-uwi ulit niya. Minsan siya na nagsasabi na maghahatid, madalas naman ay tahimik lang siya. Pakiramdam ko nga minsan ay iniiwasan niya ulit ako. Ewan ko, feeling ko lang. Pero minsan din naman ay siya rin nagsisimula ng conversation namin.

Ang gulo niya.

"Matcha," sambit ni Sian pagkaupo niya.

Pumunta ulit kasi kami rito sa Cafe kung sa'n ko unang nakita si Ate Sage. No'ng kasama ko si Kuya Thunder!

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now