TCOT29

1K 18 15
                                    

Maraming kuwento, buhay at tao sa mundong ito. Iba't ibang pahina sa bawat kuwento ng isa't isa ay kailangan mong basahin at malagpasan. Nakasaad na sa kuwento o tadhana natin ang mangyayari sa ating buhay. We can't just skip lines and we can't just ignore chapters in our lives. Hindi naman gano'n ang takbo ng kuwento natin.

May mga mararanasan na tayo na pangyayari sa buhay natin na 'di natin inaasahan, may mga tao na biglang aalis at biglang makikilala, may mga pagbabago. Hindi lahat masaya dahil may mga sandali na ayaw mo na ituloy ang pahina ng kuwento mo. Sobra kang nasaktan at maraming luhang iniiyak. May mga araw din na ayaw mo na tapusin ang isang oras dahil masaya ka at pakiramdam mo hindi na ulit mauulit ang bagay na 'yon.

Pero kinakailangan pa rin nating ipagpatuloy ang takbo ng buhay natin. Marami pang puwedeng matutunan... at maranasan. Nasa sa atin ang desisyon. Ang mga kuwento sa buhay natin ang nagpapatakbo sa mundong kinagagalawan natin. Ang mga pagkakamali noon ay hindi na mauulit kung natuto ka na sa bagay na nangyari sa nakalipas.

Napabaling ako sa pintuan ng Midtries ng tumunog ito dahilan ng pagkabukas nito. Isang lalaki na pamilyar ang bumungad sa akin na mayroong pamilyar na ngiti at amoy.

"Sian, ang aga mo," puna ko.

He grinned. "Maaga natapos sa work ngayon pero maaga ang meeting bukas," saad niya. "Sa'n ba lalagay 'tong mga boxes? Buhatin ko na."

Inimuwestra ko sa kaniya na ilagay ang mga kahon sa may gilid na siya namang binuhat niya rin.

He is still courting me. Nandiyan pa rin siya sa ilang buwan na pagkamit sa akin. I was contemplating about us. I was thinking if I should give us a chance but I told myself that I need to think thoroughly. Hindi ko pinahihirapan si Sian dahil sa nangyari sa nakalipas. Pinag-iisipan kong mabuti ito dahil para ito sa sarili ko.

I need to give myself time and space to think things thoroughly. I don't want to decide on something impulsively... again.

If I want us to be together, we need to take out time to dig deeper on our feelings and get to know each other more.

"Bili tayo ng donuts para kay Ate Jera. Ano ba gatas ni Clera?" pagtatanong ni Sian sa akin matapos niya akong kabitan ng seatbelt.

"'Di ko sure. Ask ko si Ate Jera," sabi ko at nagtipa sa phone.

Nanganak na rin si Ate Jera. Ang pangalan ng anak nila ni Kuya Cloud ay Clera. Talagang pinag-isipan, ah. Note the sarcasm naman do'n.

Pagkalabas namin ng mall dala-dala na namin 'yong mga pinamili namin na pagkain pati na rin 'yong donut na nirequest din ni Ate Jera sa amin. Nagbyahe na ulit kami pauwi.

"Uuwi ba sina Tito mamaya sa bahay n'yo?" saglit na sumulyap siya sa akin bago muling humarap sa kalsada.

I nodded even though he didn't see it. "Oo pero baka late pa rin."

"Si Tita minsan maaga umuwi 'no?" pansin nito.

"Oo. Bakit? Natatakot ka ba kay Daddy?"

I heard his soft chuckles. "'Di naman. Nakakakaba lang. Mas nakakatakot si Tita kasi 'di ko alam kung natatawa ba talaga siya sa akin kasi all smile siya or she has some negative thoughts about me," paliwanag nito.

"Oo, jinajudge ka no'n," pagbibiro ko.

"Totoo ba?" seryoso nitong tanong.

I laughed. "Joke lang!"

Napahawak siya sa dibdib at huminga nang malalim. "Akala ko.."

We both laughed. After those months of getting to know each other, friendship also started. We became closer because we took our time to know each other.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now