TCOT3

398 17 5
                                    

I was so happy yesterday that I even told my Mommy about my first happy crush here.

I mean I know that I encountered a lot of attractive guys but Sian is different talaga.

I told Mom how cute and snobbish he is! Sabi ni Mommy baka wala raw ako pag-asa but I told her na it's fine! This is just a happy crush. No more, no less!

I even told her that I made two friends which are Emory and Mich! Mom said na imbitahin ko raw minsan sila sa bahay at hahandaan niya raw kami.

Ah, I love my Mom!

Ang bilis nga ng panahon at halos matagal-tagal na rin ako rito sa Academe. Wala namang special na nangyayari dahil tambak kami agad ng gawain nitong Prelims. Hindi na nga ako nakakasilay masiyado kay Sian pero madalas ko siya nakikita sa canteen minsan tapos may hawak na libro.

"Dami kong ginawa sa pa-activity ni Ma’am Ibarolla! Pagagawan din ata talaga tayo ng Research bago matapos ang sem. Ayoko na agad. I'm so tired," ani Mich habang hinihilot ang sentido niya.

"Reklamador mo. Gaga ka! Halos kasisimula pa lang ng 3rd year eh," wika ni Emory.

"May mga activities bang ginagawa ang Academe? You know, fun activities for the students? I mean, all students?"

"Of course! ’Yong last year ang saya ng mga activities lalo na no’ng February! Ang dami naming pinag-confess-an ni Emory no’n!"

"Saka may family activities din."

Napatango naman ako at nagsulat na lang din ako ng mga kailangang gawin kay Ma’am Ibarolla kasi malapit na class niya.

"Humanda na kayo sa magiging Research n’yo ha. Alam kong bago pa ’yon magtapos ng sem at tatapusin pa natin ang ibang mga topics for Academic Writing pero pinaghahanda ko lang kayo para mentally prepared kayo sa Research. IMRAD lang naman this year ninyo. Pero practice ninyo na rin ito sa 4th year ninyo," paliwanag ni Ma'am Ibarolla sa amin.

"Anong next class n’yo nga?"

"PE po kay Sir Mercurio!"

"Oh sige. I’ll dismiss you guys early para makapaghanda kayo sa klase ni Sir Mercurio."

"Thank you, Ma’am Ibarolla!"

Nagpulbo na ako at nag-lip gloss. Napatingin ako sa maliit kong salamin para tingnan ang mukha ko. Okay naman na. Ang ganda ko naman.

Pinuyod ko naman ang buhok ko pang ponytail.

"Mid, you have powder? I forgot mine sa house today!" Mich asked.

"Here."

"Thanks!"

Mga ilang minuto pa ay biglang may pumunta sa amin na ikinatigil ko naman sa ginagawa.

Si Sian!

Bakit siya nandito?

Pumasok siya ng class room at pumunta sa may unahan.

He then looked at anyone in the room.

Nang makita niya ako ay natigil siya nang ilan segundo bago lumingon sa iba kong kaklase at nagsalita.

"Sir Mercurio is in the gym. Doon daw kayo magkaklase ngayon. May tatlumpong minuto pa bago ang klase niya pero pinapapunta na kayo roon ngayon. Isasabay na raw kayo sa klase niya sa Business Ad."

Teka, sa klase nila? ’Di ba Business Ad sila? Omg!

"That’s all. We’ll wait for at least 15 minutes before the class starts."

Pagkasabi niya no’n ay lumabas na siya ng room namin.

"Makakasabay natin sina Caden! What a miracle!" Mich.

The Color of Twelve (COMPLETED)Where stories live. Discover now