Malalaman mong nagiging totoo siya sa'yo sa porma ng suot niya. Hindi naman totoo na dapat lagi kang nasa best dress mo pag aalis kayo. Oo. Sa umpisa siguro ganun. Pero ang dapat? Kung pano ka talaga manamit. Ginagawa mo lang naman ang lahat ng pagporma, kung nagpapa-impress ka. Pero, malalaman mong totoo na kayo sa isa't isa kung yung kung anong komportable sa kanya, yun na ang sinusuot niya. Kasi, pinapakita niya na sa'yo yung totoong siya. At hindi na lang niya ginagawa yun para magpa-impress sa'yo.
Noong nagsisimula palang kami, kung mga pormahang James Reid lang din ang pag-uusapan. Lumilinya na siya doon. Tuwang tuwa ako kasi, ang gwapo gwapo niya sa paningin ko. Kaya, noong mga tumagal, na-frustrate ako kasi tuwing aalis kami, simpleng t-shirt at pantalon na lang ang suot niya. Minsan nga, inuulit ulit na niya kung ano 'yung suot niya.
Iniisip ko na nawawala na yung sense of fashion niya, kaya dumadating kami sa point na pati suot niyang damit, pinag-aawayan na namin.
Napaka-immature ko. Puro physical na lang yung tinitingnan ko. Napaka-perfectionist na wala naman sa lugar.
Tuloy ngayon, ang saya saya niya kasama ng iba. :( tanga tanga ko. :(