Bzzt. Bzzt.
One message received. Unknown.
Tiningnan ko kung kanino galing.
Hindi ko na pala kailangang mag hu u kasi nakilala na siya ng puso ko.
Ui Leng. Punta ka mamaya ah. Alam mo naman si mama. Sige. Kita kits nalang.
Leng? Yun pa rin yung tawag niya sa akin. Kala ko pati yun babaguhin niya. Kaitlyn yung pangalan ko. Siya lang yung tumatawag sa akin ng ganun. Ang bantot nung pangalang yun. Pero gusto niya iba yung itawag sakin para unique daw.
Hindi ko na siya nireplyan. Di ko pa rin kasi alam kung pupunta ako.
Mag-aalas tres ng hapon nung tumawag siya. Pero si tita pala yun. Wala na. Si tita na yun e. Nakakahiya naman tumanggi lalo na at kinausap pa ko.
Ako lang tao sa bahay. Himala nga kasi rest day namin ngayon pero wala sila. May kanya kanyang lakad.
4:30 na ako umalis ng bahay. Nag-taxi na ko para mas mabilis.
Pagpasok ko ng party hall, walang tao. Sinilip ko ulit yung text niya baka may nasabi siyang lugar kaso wala. Tanga! Tanga! Clarkview di ba? Tapete! Bat walang tao dito? Baka mali yung dinig ko. Bobo naman oh. Buti nasurvive ko yung architecture, e, pulpol ng utak ko! Shit!
Kuya! Kuya! Tawag ko sa lalaki na naglilinis sa hall.
Bakit po?
Kuya nasan yung may party dito?
Po?
Wala bang naka-sched na birthday party dito? Ah, Kenzo! Kenzo Alcantara nung may birthday.
Naku Miss. Wala e. Baka mali kayo ng pinuntahan.
Ha? Shit! Sige kuya. Thank you na lang.
Lumabas na ako ng hall. Ang sarap maglaho. Nakakahiya!
Tinawagan ko ulit siya. Naka-sampung beses na ata ako tumawag pero walang sumasagot. Malamang nagsisimula na yung party. Di man lang ba niya ko naalala? Di ba niya napansing wala pa ko dun. Ay. Panigurado hindi. Hindi na nga pala ako ganun kahalaga sa kanya. Hehe.
Lumakad na ko palabas ng Clarkview ng makasalubong ko pa si Sandy.
Kat!
Uyy! Pupunta ka din ba sa birthday ni Kenzo?
Oo. Ikaw? Uuwi ka na?
Ah. Hindi. Nagpunta kasi ako sa may party hall. Wala naman tao. Saan ba talaga gaganapin?
Tinawanan niya ko.
Sorry be. Di ba niya sinabi sayong sa may villa gaganapin? Madami atang bisita e. Dumating daw yung mga kamag-anak. Sakto birthday niya. Reunion na din siguro.
A-ahhh. Sa villa ba? Ay! Uwi na lang ata ako. Nahihiya akong pumunta. Sige.
Naglakad na ko palayo.
Waaaaaiitttt! Kaaaatt!
Ano ka ba Kat? Halika na. Nandito na tayo e. Tara na.
Ee, nakakahiya. Tsaka awkward di ba? For sure nandoon din si Jersey.
Ano ba?! Okay lang yan. Nega mo, girl. Tara na!
Hinila na niya ako.
Halos bente minutos na kaming paikot ikot pero wala pa ding villa ang nagpapakita.
Uy! San ba talaga tayo Sandy? Kanina pa tayo paikot-ikot.
E, ah. Ano. Sorry be. Nakalimutan ko papunta.
Ha? Kala ko naman alam mo. O sige magtanong na tayo.
Tumunog yung phone niya.
Si Kenzo tumatawag. Wait lang ah. Pasundo tayo.
Buti pa siya tinawagan niya. Ako? Wala. :( hehe. Ganun siguro talaga.
Hindi tumagal yung usapan nila. Tapos maya-maya may dumating ng sasakyan para sunduin kami. Hindi ko alam kung sino yung sumundo sa amin.
Bumaba yung babaeng nasa passenger seat.
Lets go?
Jersey?????