F

10 2 0
                                    

Dati, iniisip ko na 'di mo naman talaga ako mahal. Ginagawa mo lang akong pang-display. Panakip butas lang ako sa ex mo. Ang nasa isip ko, di ka naman seryoso talaga e. Kaya lagi kitang inaaway. Tapos, sasabihin mo lang, Ipapakilala ba kita sa magulang ko kung di kita mahal? Sus! Palusot mo lang yan, sabi ko. Uso na ngayon yun. Dadalhin sa bahay kahit di seryoso. Dami kong kilala. Pinandi-display lang. Kaya yun, yun yung naisip ko.

Tangina eh! Bobo ko! Hindi nga lang pala sa magulang ako pinakilala. Halos buong angkan kilala ako. Tapos pucha, inisip kong pang-display lang ako? Shet!

Kumusta kaya yung ngayon? Naiinggit na lang ako. :( Baka siya kilala na din ng lahat. At baka siya, hindi katulad kong tamang hinala at walang utak. Putik lang eh! Ang dumi ng utak ko! Sa ganun palang, pinatuyan mo ng mahal mo ko. Di ko pa nakita. Fvck!

Bat ba saradong sarado yung utak ko no'n? Bat ang bulag ko. Bat ang manhid ko! Tapos eto ako ngayon, gustong gusto kang balikan. Kaso, late na e. :(

A Girl's Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon