Si Jersey na yung last na nagvideo message. Tapos, may ipinlay na slideshow.
Puro picture yun ng babae na naka
-blurred yung mukha. Tae ano ba yang video na yan?! Puro blind item siguro yan ng members ng family. Ay! May nagkakamot pa ng pwet! Haha!
Maya-maya lumabas yung mukha ni Kenzo.
My heart melt. At napa-english ako. Nakakainis!
Ang gulo ng video. Hindi niya rin siguro inexpect na kukunan siya.
Kailangan pa ba ivideo?
(Girl) Oo. Ano wish mo?
Wish? Isa lang wishko. Bumalik siya. Sana bumalik na siya sa akin.Ohhhhhhhhhh. Wala na ba sila?
May nagplay ulit na video. At si Kenzo ang nagsasalita.
I still remember 4 years ago, it was my 18th birthday. I was so happy that day kasi Papa given me my first smart phone. Sa sobrang kuripot ba naman ni papa. 2nd year college na ko pero nokiang de flashlight pa rin ang cellphone ko. And mind this guys, the latest iphone4 ang binigay niya sa akin. Sobrang saya ko talaga no'n. And then, someone ruined it. May isang babaeng sumira ng kasiyahan ko. Tumatakbo siya palapit sakin. Palingon lingon pa siya sa likod na kala mo tinitingnan kung may nakasunod sa kanya. Hanggang sa mabangga niya ako. Boom! Tumilapon yung cellphone ko sa batuhan. At ang iphone, wala na! Basag na! Napagalitan pa ako ni papa ng todo. Walang kaalam alam yung babaeng yun na nakasira siya ng kasiyahan ng may birthday. Kasi, nagpatuloy lang siya sa pagtakbo. I tried so many times para sabihin sa kanya yung nangyari o gantihan siya. But then, I always failed. That day. That's the day my world turned upside down. Yung babaeng yun. Yung sumira ng masaya kong birthday... Siya... She's a beautiful disaster......
Biglang nagflashback sa utak ko yung lahat ng pangyayari. Si Kenzo yun? Si Kenzo yung nabangga kong yun? Gusto ko naman sana magsorry nun kaso di ko alam kung sino ba yung nabangga. Siya? Ohh. I don't know what to say..
Tumapat ang spotlight sa akin. At tinawag niya ang pangalan ko.
Kaitlyn Jessica Navarro. Leng.