C

17 2 0
                                    

Kahit sino namang babae, papangarapin yung bibigyan ka ng chocolates, flowers, life-sized teddy bear. Pero ni minsan, hindi mo ko binigyan alinman sa mga yan.

Pakiramdam ko no'n, wala ka man lang ka-effort effort na ginagawa. Pakiramdam ko, 'di mo man lang maparamdam sakin na espesyal ako.

Nagpaparinig pa ko sa'yo ng mga gusto kong ibigay mo. Hindi ko man lang inisip na masasaktan ka sa ginawa ko. Kasi, binibigay mo na pala lahat sa akin.

Pero di ko naisip yung mga bagay na ginawa mo. Yung pag-iipunan mo sa allowance mo yung pelikulang gusto kong panoorin. Yung ang layo ng bahay mo, pero magbibike ka nalang kapag wala kang pera mapuntahan lang ako kasi alam mo, magtotopak ako. Yung pag nasa bahay ka, lahat ng iuutos sakin ikaw ang gagawa habang ako, nakaupo lang, nanonood. Yung lagi kang nandyan sa tabi ko. Yung magcu-cutting class ka para lang masuportahan ako sa mga activities na sinasalihan ko. Yung kahit gabing gabi ka na umuwi kasi ayaw kitang paalisin. Okay lang sa'yo kung mapagalitan ka ng mama mo. Yung mga akala ko, napakaliit na bagay lang na ginagawa mo pero, napakalaki pala.

Bat ba masyado akong nabulag sa mga materyal na bagay. Samantalang, di ko pinansin yung mga totoong effort. Tanga tanga ko! Bobo! Yung mga totoong effort, hindi naman pala nahahawakan, nakikita at nararamdaman pala sila. Sana noon ko pa yon nakita bago ka pa nawala. :(

A Girl's Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon