Lagi mo kong pinapaiyak. Lagi mo kong sinasaktan. Ikaw. Ikaw laging may kasalanan. Ako wala. Malinis konsensya ko. Ikaw lang! Ikaw ang may mali! Sayo may mali! Hindi ako! Maling mali. Maling mali ako. :( Mali kasi akala ko ako yung laging tama, ako yung kawawa, ako yung nasasaktan lagi.
Ako pala lahat yung may kasalanan. Ako lang din pala yung gumagawa ng mga bagay na ikasasama ko ng loob. Hindi pala ikaw. Ikaw minahal mo lang naman ako e. Akala ko tama ako e. Yun pala hindi. Di ko man lang naisip yung mga panahon na iniiyakan mo na ko. Sobrang sakit na siguro ng pakiramdam mo sa lahat ng ginagawa ko sayo. Sa lahat ng pagtatamang hinala ko sayo. Sa mga pagbibintang ko. Sa lahat lahat. Hindi mo na siguro alam kung saan ka lulugar. Di mo na alam kung ano pa bang dapat monv gawin para lang maniwala ako sa'yo. Wala e. Hindi ko naisip yun. Pinabayaan lang kita kasi feeling ko, ako yung mas na nasasaktan e. Feeling ko, pinagsisinungalingan mo ko. Feeling ko niloloko mo lang ako. Feeling ko... Shit! Damn that feeling! Puro ako feeling. Nawala ka tuloy sa feeling ko! Boom! Hahahaha
Pero putik e! Puro emosyong walang kwenta pinairal. Tanga e. Tanga ko bobo pa.
Saya sana natin ngayon. 3years na sana... Biruin mo? Kulang dalawang taon mo din akong pinagtyagaan. 1 year 4 months 6 days. Wow! Mahal mo nga ko. Kaso, wala na e. Hanggang alaala na lang. :(
![](https://img.wattpad.com/cover/39559249-288-k498681.jpg)