I

8 2 0
                                    

Nakaupo lang ako sa sulok ng classroom. Kaklase ko siya ngayon, ayokong mapansin niya ako. Alam kong imposibleng di kami magkita. At least man lang walang awkward moment ang mangyari.

Sinaksak ko sa tenga ko yung earphone kasi 20mins. pa bago yung klase. Maaga lang nagdismiss yung naunang prof.

Sayang. Gagraduate na kami sa March. Next sem ojt na. Sana kami pa rin sana. Yung mga plano namin na di na mangyayari. Yung sabay kami kukuha ng board exam. Magtratrabaho at balang araw magtatayo ng firm. At magiging Mrs. Architect at Mr. Engineer. La na e. :(

Press play.

Time Machine, Six Part Invention

Do you remember how it felt like?

If I could go back to the way we used to be..

Bawat words ng kantang to. Damang dama ko. Tamang tama ako. Sana nga may time machine na lang e para mabalik ko yung oras nating dalawa. Sana meron. Pero wala. Yung mga nangyari na, hindi na pwedeng ibalik.

Eto na e. Eto na e! Tangina sino bang kupal tong humila ng earphone sa tenga ko.

Inangat ko yung ulo ko para talakan tong epal na to.

Ano b---?

Ikaw. I-ikaw? Siya?

Sorry. Kanina pa kasi kita tinatawag di ka sumasagot.

Nakangiti siya. Ang laki ng ngiti niya. Pati mata niya nakangiti. Okay na siya? :( Nadudurog yung puso ko.

Ah, s-sorry. Naka-max volume kasi e.

Ayos yan ah.

Kinuha niya yung isang earphone na hindi nakalagay sa tenga ko. Inurong niya pa yun ng kaunti dahil sobrang lakas.

Di ka nabibingi dyan? Sabi mo sakin dati, nakakabingi yan di ba?

Ang sarap pakinggan nung sinabi niya. Tanda niya pa pala yung sinabi ko sa kanya. Pero hanggang alaala na lang yon. Singit ni inner voice. Tama siya. Hanggang doon na lang yun. :(

Ano kailangan mo?

Kailangan agad? Di pwedeng nangangamusta lang?

Nangaasar ba to? Ang saya pa niya. Di ba niya alam na mas nakakasakit yung ginagawa niya? Kasi, ang saya niya. At kung umasta parang walang nangyari.

Ah okay. Sagot ko na lang.

Tumawa siya ng mahina bago nagsalita.

Joke lang. Punta ka sa sabado. Birthday ko na kasi sa friday kaso may pasok. Kaya sabado ko na lang gaganapin. Alam mo sa may Clarkview? Doon gaganapin.

Alam ko. Makakalimutan ko ba birthday mo. Sabi ko sa isip ko. Nakakatuwa na iniimbita niya ko.

Iniimbita mo ko?

Oo.

Yes! Yes!

Sabi kasi ni mama papuntahin daw kita. Dagdag niya.

Ouch

Ahh. Okay lang ba pumunta?

Oo naman. Punta ka ah! Sige asahan ko yan!

Teka! Uy! San----

Dumating na yung prof kaya di ko na siya tinawag ulit. Sabagay pwede namang hindi ako pumunta. Ime-message ko na lang si Tita. Di ko na kailangang sabihin pa sa kanya.

A Girl's Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon