Dati ayaw na ayaw ko yung niyayakap mo ko ng patalikod o kahit nakaharap man. Lalo na kapag nasa public place tayo. Tapos hahalikan mo ko bigla sa pisngi. Lahat ng hampas na pwede kong ibigay, tinotodo ko hanggang sa sumakit na yung kamay ko.
Tapos ngayon? Putapete! Isa na yun sa mga relationship goals. Yung iba, pinapangarap yun. Samantalang ako, na-achieve ko na pala, pinakawalan ko pa. Nag-inarte pa ko. Yun pala ang pinaka-sweet na pwedeng gawin ng lalaki sa girlfriend niya. Walang halong libog, puro pagmamahal lang. Tapos tinapon ko lang lahat? Napakalaki ko naman talagang tanga. Bulag pa. Oo, inner voice, bulag na bulag. Tsaka manhid. Manhid? Di naman ata. Tanga! Bato ka nga e! Oo na. Sige na. Manhid na ko.
Sana man lang nagka-oras akong ma-realize yun noon nung mga panahong akin ka pa. Sana kinilig man lang ako sa ginawa mo. Sana di kita sinuway sa paggawa non. Di sana kita laging hinahampas. Sana nilambing din kita. Sana sinuklian ko rin yung pagiging sweet mo sa akin hindi yung sinaktan kita bilang kapalit.