A

24 2 0
                                    

I love you a like a love song, Baby. 

Sa lahat ng love songs na alam ko, lahat ng yun, ide-dedicate ko lahat. sa'yo. Ganun ata ako kabaliw sa kanya? Ewan.

Kuha ng earphone. Saksak sa tenga. Ilagay sa maximum volume. Piliin ang favorite song. Press play.

Ang sarap ng feeling ng ganun. Yung dahil napakalakas ng tugtog at yun lang yung naririnig mo, para kang dinadala sa iba't ibang dimensyon. Yung sa bawat palit mo ng kanta, nagpapalit ka rin ng lugar na pinupuntahan.

Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit laging nakasaksak sa tenga niya yung mga earphone niya. Ang sarap pala ng pakiramdam. Parang ang kalmado kahit gano pa nakakabingi yung tugtog. Ganito pala.

Lagi ko pa siyang inaaway no'n. Ayaw na ayaw kong ginagawa niya yun pag magkasama kami. Pero may point naman ako di ba? Lagi mo naman kasi siyang kinakatakan. Umepal naman 'tong inner voice na 'to. Galing nga naman oh. Masasabi mo bang baliw yung taong kinakausap yung sarili, kung sadyang may sumasagot naman talaga sa mga sinasabi mo? Ay ewan!

Pero tama siya. Sino nga ba namang gustong makinig sa katak ko na paulit-ulit lang at madalas walang sense.

Ba't kasi ngayon ko pa nare-realize 'tong mga bagay na to? Edi sana. Okay kami. Hindi kami madalas mag-away.

Lagi ko pa rin naman siyang nakikitang naka-earphone, yun nga lang, may kausap na kasi siyang iba. :(

Mas may sense siguro kausap yun kesa sakin. :(

Mas nasasakyan niya siguro yung mga hilig niya :(

A Girl's Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon