Buti na lang hindi ako naging bitter sa forever. At eto na, dumating na yung forever. Totoong may happy ending katulad ng mga fairytale. Hindi man ganun na ganun yung nangyayari sa totoong buhay. Pero promise meron.
Keep loving guys. Hindi porke nasaktan na tayo, susuko na tayo. Promise may forever. Kung matututo lang tayong maghintay. Magtiwala. At manalig sa Diyos.
At sana, matuto nating pahalagahan yung taong mahal natin. Tanggapin siya ng buo kahit ano pa man siya. Sana matuto tayong i-appreciate ganu man kaliit yung bagay na ginagawa nila para sa atin.
Ang mga lalaki, madalas gago. Pero promise, pag seryoso sila, seryoso talaga. Pag sinabi nilang ikaw lang. Maniwala ka dahil ikaw lang talaga. Minsan, kaya lumalayo yung loob nila satin, dahil din sa mga ginagawa natin. Sila, hindi lang nila gaanong pinapakita yung nararamdaman nila. Pero, nasasaktan din sila.
Hindi sinabing pag loyal, yung tipong ikaw na lang ng ikaw. Ang totoong loyal, sinuman ang kaharap niya, ikaw pa rin ang nasa puso't isip niya. At hindi siya gagawa ng anumang ikakasira niyo.
Sadyang madalas, tamang hinala lang tayong mga babae. Bigyan natin sila ng pagkakataong iexplain yung sarili nila. At sana paniwalaan natin sila.
Hindi porke tayo ang babae, laging tayo ang iintindihin nila. Bigyan din natin sila ng pag-intindi. Mahalin natin sila. Pahalagahan. Ingatan. Alagaan. Dahil panigurado, anuman yung binibigay natin, mas doble ang ipapalit nila.
Ang mga lalaki di lang yang vocal. Pero ang dami nilang paraan para iparamdam na mahal nila tayo. Kung matututunan lang nating buksan yung mga mata natin.
Ang mga lalaki, pag mahal ka nila, mahal ka nila. Wala na sa kanila kung bakit, paano o gaano. Basta mahal ka nila at maniwala ka.
May forever guys. Meron. Di man yun sa piling ng taong gusto nating makasama. Pero, hintay hintay lang. Ibibigay din yun ni Lord. Amen.
![](https://img.wattpad.com/cover/39559249-288-k498681.jpg)