K

10 2 0
                                    

Para akong nag-ice bucket challenge. Parang natuod ako bigla. Hindi ko kasi alam kung ano gagawin ko.

Uy Kat! Tara na!

Di ko na napansin na nasa loob na si Sandy.

A-ah. Sige.

Pumasok na ako sa loob. Katabi ko si Sandy. Nasa drivers seat naman si Jersey.

Sorry. Medyo matagal bago ko kayo nasundo.

Okay lang yun. Late na ba kami? Tanong ni Sandy.

No. Of course not. We're not starting the party without you guys. I mean, may mga hinihintay pa din. Ako na lang sumundo kasi nagaasikaso ng bisita si Ken, e, wala naman akong ginagawa.

Madami bang bisita? Tanong uli niya. Nakikinig lang naman ako sa kanila.

The whole gang is there. It's his debut. Ang bongga nga e daig pa yung 18th birthday ko.

Noong narinig ko yung bongga. Bigla akong napatingin sa suot ko.

Formal party ba? Bigla kong natanong.

Medyo nagulat pa silang dalawa sa akin. Tumingin ako sa kanila. Nakadress sila, habang ako naka-jeans at t-shirt lang.

Haven't he told you? Tanong sa akin ni Jersey.

Parang medyo nasaktan na naman ako. Balak ba kong ipahiya ni Kenzo? Ginagantihan niya ba ko?

Oh. Sorry. Ah! Don't worry. I have an extra dress. Siguro kasya naman siya sa'yo. We can pass by a restroom first para makapagpalit ka.

Ay! Naku! Wag na! Wag na! Okay na to. Di naman pangit suot ko.

No. I insist. I'm sure Kenzo will not be happy seeing you different from everyone.

Mas gusto ko nga yun e.

A-ah. Okay.

Nagpunta muna kami sa may restroom sa bungad ng villa. Inabot niya sa akin yung isang paper bag.

Here. Sige magpalit ka na. We'll wait for you outside.

Pumasok na ako ng cubicle at nagpalit. Isang mint green yun na dress na may short sleeve at below the knee ang haba. Kung alam ko lang na formal pala dapat. Mas maganda pa isusuot ko dito. Maganda naman to. Pero kung alam ko lang talaga. Tsk tsk. Talbog mga suot nila sa akin.

Tapos na ako.

Lumabas ako ng cubicle pero wala sila. Asan na yung mga yun? Sabi maghihintay? Mga epal talaga oh.

Wala na talaga sila. Pati sa labas ng restroom wala e.

Naglakad na ako papunta sa loob. Sa labas palang ang ganda na ng set-up. Mukha ngang di birthday e. Mukhang wedding yung gaganapin. For sure si tita nagplano nito. Singit lang siguro talaga yung birthday niya sa reunion nila. Kawawa naman. Binigyan pa ako ng rose ng lalaki na nasa entrance.

Mellow songs yung tumutugtog at lights on pa lahat. Tahimik pa din sa loob. Kahit di pa ako nakakapunta sa pinakaloob. Haha! Wala kasi akong naririnig. Di pa siguro talaga nagsisimula. Marami pa sigurong hinihintay na bisita.

Saktong saktong pagbukas palang ng pinto ng maglights off. Sakto lang pala yung dating ko. Mukhang nagsisimula na.

Lumabas sa malaking LED screen yung pagmumukha ni Kenzo. Happy birthday daw. Tumayo muna ako sa gilid madilim kasi at di ko naman alam kung saan ako uupo. Nakapaikot yung tables and chairs na may malaking space sa gitna. Para siguro sa magpeperform. Bongga nga. Ako nga hindi nagparty nung debut e. Haha!

Video message yun galing sa pamilya niya. Haaayy. Sana isa ako sa mga yan :( puro goodluck at sana daw maging successful siya. Panigurado magiging successful siya. Magaling siya e.

Napaayos ako ng tayo ng makita ko yung mukha ni Jersey sa screen. Ouch

Hi Ken. Haaaaappy 21st Birthday! Oh. You're getting older, dude.

Wow, dude? Ayos tawagan nila.

Alam mo naman. I'm always be beside you. I'll always be here for you no matter what. I will not leave your side. Haha! Ever since naman, magkasama na talaga tayo. Have a good health. Be successful, dude. Well, I know for sure you'll be. I hope you'll get all the happiness in the world. At sana, yung kaisa isang pangarap mo, maging sa'yo na. Ulit.

Ulit?

Alam ko namang yun ang birthday wish mo. I love you, dude. And that's all. Again, happy birthday!

I love you?

A Girl's Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon