E

13 2 0
                                    

Ayaw na ayaw kong may ka-chat o ka-text kang babae. May makita lang ako na di ko nagustuhan sa naging usapan niyo, ib-block ko na siya sa account mo. Kung may nakita akong katext mong babae na di ko kilala, kung di ko ilalagay sa spam message yung mga text niya para di mo makita, ide-delete ko yung number no'n. Minsan nga, kahit lalaki pala yung nasa contacts mo. Ide-delete ko pa rin. Ang nasa isip ko kasi, baka pinalitan mo lang yung pangalan para 'di ko mahalata. Ayaw na ayaw ko din na may mga kasama kayong babae sa lakad niyo. Feeling ko may gagawin kang masama. Napaka-walang tiwala ko. Napaka-tamang hinala ko.

Pero sana naisip ko na ako din pala ganun. Sana inisip ko rin yung mararamdaman niya kapag nakikipagtext ako sa mga lalaki kong kaibigan. Ang sakin kasi, wala naman akong gagawing masama e. Katext lang. Hinahayaan mo lang ako sa ganun. Kasi sabi ko dati nung nagalit ka tungkol dun. Wag mo naman akong tanggalan ng karapatan sa ganung bagay. Tandaan mo, mas nauna silang naging parte ng buhay ko bago ikaw. Kaya hindi pwedeng iechupwera ko na lang sila dahil sayo.

Hindi ka umangal. Kahit napaka-rude ng sinabi ko. Tama bang sabihin yun sayo? Tama bang mas pantay ang halaga mo sa kanila?

At isa pa, napaka-selfish ko sa bagay na yun. Ang selfish selfish ko. Puro sarili ko lang iniisip ko. Tapos pagdating sayo, tinatanggal ko yung karapatan mo.

Kung inisip ko man lang sana na dapat hindi ko ginawa yun. Dahil kung ano yung pakiramdam ko pag pinagbabawalan mo ko, mas doble yung sa'yo.

Napaka-makasarili ko. Sana inisip ko na sa pag-uusap mo sa kanila, ako din yung bukambibig mo. At nakikipag-usap ka lang sa kanila para mas maintindihan kung bakit ako ganun sa'yo. Tanga ko para di ko na-realize yun dati. Tanga tanga.

A Girl's Story [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon