Kelly
"I told you."
I faced him. I am still scowling a bit. Nagpang-abot ang aming titig at inirapan ko siya. Naglakad ako papuntang veranda.
"Huwag mo nang ulitin, Zeus. Let's keep it lowkey muna please lang," pagod kong sambit sa kanya.
I heard him groaned.
"Sorry... I was carried away because I was overwhelmed by happiness. Hindi na mauulit," nanunuyo niyang sabi.
Sumunod siya sa akin at naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa bewang ko. I fitted perfectly in his arms. Ramdam ko ang matigas niyang katawan sa likod ko habang niyakap niya ako kaya napahilig ako sa kanya.
I sighed.
"Okay... swear?"
"I swear baby..." he kissed my temple and then he kissed my head.
"Anong sasabihin natin sa kanila pagkabalik?" tanong ko habang nakatanaw kami sa view ng veranda ng villa. Tanaw namin ang dalampasigan kung saan ang alon ay humahalik sa buhangin. The wind blew and it was so refreshing.
"Sasakyan natin ang mga hula nila?" hindi sigurado niyang sagot.
"They will keep interrogating us kung sino ang ka-date mo at kung naniwala rin silang may ka-date ako, baka mag tanong din."
"Ignore them," he said and tightened the hug.
I savour the moment and cherish every seconds with him. Mamayang 4 PM ang flight namin pabalik sa Cebu. Sinisimot ko ang oras na natitira sa amin dito sa isla. Dito lang kasi kami malayang naipapakita ang pagmamahal namin sa isa't isa. Iyong walang posibleng kilala na makakakita sa amin.
This three day trip was such a dream. We experienced living a day as a couple. Living free from possible criticism from people around us. We were care-free as we show our love for each other and I will forever cherish this moment.
"I feel like we are being suspicious already... shouldn't we make a strong alibi?" bigla kong tanong makaraan ang ilang segundo habang nakayakap pa rin siya sa akin.
He softly groaned near my ears which gives me goosebumps. "You're overthinking this. They wouldn't know about us... trust me Kelly," aniya sa mababang boses. He sounded so assuring but still I couldn't help myself from worrying.
I sighed. "Kung ako siguro sila, magtataka na rin ako. Bigla tayong nawala nang walang paalam at pasabi sa kanila. And then later on malalaman nila na nasa Palawan tayong dalawa. It's definitely suspicious."
"Baby stop stressing yourself. Let's enjoy our remaining hours here. Don't worry I'll handle everything," he said persuasively.
I bit my lips. The warmth from his embrace helps me feel assured. That everything will be alright... that it will go unnoticed.
Nang sumapit ang alas dos, nasa bangka na kami papuntang Honda Bay. We still rode the van of Dos Palmas on the way to Puerto Princesa Airport. The travel seems quick because I just sleep on his shoulder.
We boarded the plane at natulog pa rin ulit ako. Nagising lang nang narinig ang announcement ng flight attendant. Pagkalabas namin ay nagulat ako dahil nandoon na si Kuya Hubert naghihintay. Zeus never mentioned to me that Kuya Hubert will fetch us.
"Hindi mo nabanggit na susunduin pala tayo ni Kuya Hubert," sambit ko habang naglalakad kami patungo kay Kuya Hubert na nakatayo sa labas ng SUV nila.
"I forgot, sorry..."
I nodded and shrugged.
"Hey! How's the trip?" salubong ni Kuya Hubert sa amin na nakangisi. They hugged and taped their back and then Kuya Hubert tapped my shoulder.
BINABASA MO ANG
That Neighbor of Mine (BxB)
Teen FictionSi Kelly Vayden Soriano ay isang baklang senior high school student na walang ibang hangad kung hindi ang mapansin ng taong hinahangaan niya. His circle of friends was in full support of him. Sa 'di inaasahang pangyayari, ang kanyang pagkatao ay nap...