Preggy 101.17

10.2K 182 7
                                    

A/N: Pagpasensyahan nyo minsan ang katangahan ni Otor! Hahhaha!

Zara's P.O.V

Naglilinis na ngayon ang nangistorbo samin, Saglit lang naman! Nanginis ata eh! Nang marinig namin yun ay agad natinag si Tristan, bumitaw sya! Moment na yon oh!

Lumabas na yung babae at lumabas na ng C.R si Tristan. Humiga naman ako sa kama at pinatay amg mga ilaw. Di ako nakakatulog ng bukas ang ilaw. Nawalan tuloy ako ng gana para mag confess! Tumagilid ako tas nagsumiksik ako sa comforter.

Naramdaman kong humiga na si Tristan.

"Damn it! She totally disturb us." sabi nya sabay.

O____O
pumasok yung kamay nya sa comforter at niyakap ako. So? di pa ba sya tapos sa pagpapaasa sakin? Huhuh!

Di ako gumalaw. Naunahan na ko ng hiya! May hiya pa naman ako 'no!
Nakayakap lang sya sa likod ko.

"I want to hug you everyday, "

Ayan nanaman! Pinapakilig nanaman nya ko!

O//////O

-----
Kinabukasan..

Nasa kotse na nya kami. Sabi sa inyo paasa eh! Di nanaman nya ko kinakausap! What to do ba? Para bumalik sya sa dati?

Nagpark na sya, malapit lang pala.sa hotel yon. Bumaba na kami nagkita kita nanaman kami ng mga kasamahan ko pero si Cynthia at Madel iba yung tingin sakin.
Kahapon pa ganyan yan eh.

Binigay na samin ang kanya kanyang susi ng kwarto. Nakahiwalay na ko kay Tristan. Sad!
Hmmp!

Naglakad lang ako papuntang restricted room ko ng makasabay ko si Madel at Cynthia,

"Tell me bat kailangan mong kasama si Sir sa isang kwarto?" mataray na sabi nya.

"Kulang sa kwarto diba? Infact secretary nya ko." palabang sagot ko.

"Ahh. Lumalaban!" sabi ni Cynthia.

"Malaman ko lang amg relasyon mo kay Sir? Tatangalin namin ang bawat hibla ng kilay at buhok mo! Tse!" sabi nya sabay flip ng hair aba! Arte pala neto! At may gusto pa kay Tristan!

Lahat ay nagkakasiyahan sa baba. Nagpalit na ko ng two piece swimsuit na color black. Sexy pa naman ako kahit may baby na.

Nakita ko si Tristan tas nakakapit sa braso si Madel. Landi talaga! Si Madel? Nakaswimsuit na parang pambata! Nakapalda pa! tas may plits pa. Naglakad ako sa harap nila. Napatingin si Tristan. Maglaway ka sa kasexyhan ko! Hahaha! Nasa dagat sila at nag babanana boat. Nakakita ko ng jet ski. Marunong naman ako non. Sumakay ako at pinaandar. Lumapit ako sa kanila.

" Yaaa! Ang cool pasakay!! " sabi ng isa.

Napansin ko sa likod ko ay si Tristan. Nakasakay din. Lumayo ako sa kanila at binilisan ko pa pero inikot ikot ko lang naman.. Napansin ko si Madel na nakapamewang at salubong ang kilay. Hahha! Sakin si Tristan, Madel!

Hinayaan kong makalapit si Tristan. Sinenyasan nya kong huminto kaya huminto ako sa harap ni Madel. Iinisin ko sya. At lalandiin ko naman si Tristan para bumalik na sya! Hahahha

"Join me." sabi ni Tristan kaya sumakay ako sa jet ski na sinasakyan nya sa likod ako sumakay. Kumapit ako sa abs---- sa bewang nya!

"Ako nalang!" sigaw ni Madel. Nagwave lang ako ng kamay. Ang bilis magpatakbo ni Tristan.

"Why are you wearing those kind of shit?"

"Hoy! Ang hot ko nga eh. Shit ka dyan!" sabi ko sabay hampas.

Her  FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon