Chapter Forty Three
Kelly's POV
Mabigat ang katawang bumangon ako sa kama. Hindi ko dapat hayaan ang sarili kong magmukmok. Tama na ang pag-iyak ko kahapon ng magdamag.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Sa isang iglap lang bumagsak ang lahat. Nawalan ng saysay ang lahat because of this shit feelings. If only I can ignore it. If only I can control it. If only I can stop it but I can't. I'm weak as hell.
Hanggang ngayon masakit pa rin. Hindi nabawasan ang sakit mas lalo pang nadadagdagan tuwing nararamdaman ko na mag-isa lang ako. Damn! Bakit ba ang drama drama ko? This is not me.
Nakaramdam ako ng pagkahilo pagkatayo ko sa kama. Napa-tigil ako at pumikit. Umiikot talaga ang paningin ko.
Hindi pa nga pala ako kumakain simula ng dumating ako dito sa condo. Puro pag-inom lang ng tubig ang nagawa ko.Nang humupa ang pagkahilo ko ay nagmulat ako at nakita ko ang sariling repleksyon ko sa salamin.
Nagulat pa ako ng makita ko kung anong itsura ko ngayon. Malayong malayo sa dating itsura ko.
Magulong buhok. Mugtong mga mata. Maputlang labi at kulay. I'm such a mess. This is not me. This is not the Kelly I used to know.
Tinitigan ko lang ang repleksyon ko hanggang sa mapasinghap ako dahil may pumatak na naman sa mga mata ko. Umiiyak na naman ako. Ayaw ko ng umiyak pero hindi ko mapigilan. Hindi pa rin nauubos ang mga luha ko.
Pinunasan ko lang ito gamit ang kamay ko. Pumunta na rin ako sa banyo para maligo at ayusin ang sarili ko. Kumain rin ako ng instant noodles bago ako umalis. Nakatatlo akong instant noodles. Masyado siguro akong nagutom. Isang araw din akong hindi kumain.
I started the engine of my car. I want to go to a place that I can have a peace of mind. To a place no one can hurt me. To a place that I can be my self. No one will see me that I'm weak, helpless and hurt.
Tumigil muna ko sa isang flower shop to buy white roses . This is her favorite flowers.
I put the roses beside her grave. Umupo ako sa damuhan at hinaplos ang pangalan ng bestfriend ko. I can imagine her smile turns into a sad face. I lose my own game, my own revenge.
"I'm sorry." I said while stuttering. Thats the first word I can say. I promised na ipaghihiganti ko siya. And I admit gusto ko rin maghiganti para sa sarili ko. Tama si Remy ginagawa ko ang lahat ng ito para sa sarili ko pero may parte pa ring para ito sa bestfriend ko.
"I'm sorry." Pag-uulit ko. Huminga ako ng malalim dahil sa pagsikip ng dibdib ko. Pinipigilan ko kasi ang paghikbi at pagtulo ng luha ko.
"Hindi ko natupad ang pangako ko. Naging mahina ako. Alam mo kung bakit?" I took a deep breath bago magsalita ulit.
"Nagkagusto ako sa kanya. I love the man who hurt you, the man you loved." Nakaramdam ako ng hiya kaya napayuko ako
.
Nakakahiya kasi yung taong nanakit sa bestfriend ko yun pa ang ginusto ko."Iyon ang nakapagpatalo sa akin. Nawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan ko. At higit sa lahat, naloko niya ko. Napaniwala niya ko na mahal niya ko. Planado rin pala ang lahat. Nakikipaglaro rin lang pala siya and I'm the one who lose it." Napatawa ako ng pagak at kasabay noon ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Hinayaan ko lang ang pagdaloy nito sa pisngi ko.
Lahat ng plano ko nawala. Wala ng saysay ang mga papeles na pinakuha ko at mga tao imutusan ko. Isa isang iglap nawala ng lahat.
"Hindi ko na alam kung paanong magsisimula ulit. Wasak na wasak na ko, Angel. Akala ko pagkatapos ng lahat ng ito magtatagumpay ako and I'll be complete again pero hindi e. Mas lalong naging komplikado ang lahat."
BINABASA MO ANG
Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]
RomanceIstorya ng isang babaeng nais mag-higanti para sa kanyang bestfriend. Ano kaya ang magagawa niya para lang sa pagkawala ng nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya?