Chapter Forty Seven
Kelly's POV
Kinabukasan tinanghali na ako ng gising. Pagtingin ko sa orasan, 9 am na. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Madaling araw na kasi akong nakatulog dahil madaming gumugulo sa isip ko.
Bumaba ako at nakita kong walang tao sa sala kaya pumunta ko sa kusina. Nasaan kaya si Kell? I'm sure gising na ang batang yon.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang likod ng isang pamilyar na babae. It's Nimfa. Mukhang naghahanda siya ng meryenda. I don't know kung para kanino. Two glasses of orange juice and sandwiches.
Napagpasyahan ko na lang umalis nang humarap siya sa akin. Nagulat siya ng bahagya at hindi rin nagtagal ay nginitian niya ako.
"Mukhang napasarap ang tulog mo."
"Yeah." Simpleng sagot ko ng makalapit ako sa ref at kumuha nang pistel ng tubig. Tutal nakita niya na ko. Gagawin ko na lang ang dapat kong gawin.
"Eto o." Abot niya sa akin ng baso.
"Thanks." Saad ko pagkatapos kong kunin ang baso sa kamay niya. Naglagay ako ng tubig sa baso at nagsimulang uminom.
"Uhmm... Ung anak mo kasama ni Maco." Muntik na kong masamid dahil sa sinabi niya. Maco rin pala ang tawag niya kay Jacob.
"Uy, okay ka lang." Hinimas himas niya ang likod ko. Pasimple naman akong lumayo sa kanya. Hindi ko talaga siya gusto siguro dahil asawa siya ni Jacob. Ugh!
"I'm okay." Nagulat lang ako sa sinabi niya. I'm expecting it pero nakaka-gulat pa rin. Parang kahapon lang tinalikuran niya kami I mean ang anak niya.
"So where are they?" I asked.
"Dyan lang sa labas. Paglabas mo makikita mo silang naglalaro."
"Ah. Pupuntahan ko lang sila."
"Wait lang." Pigil niya sa akin
"Bakit?" Kumamot muna siya sa ulo at parang nahihiyang napapatingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Anong problema niya?
"Uh.. Yung kahapon... ano... hindi naman talaga ako asawa ni Jacob. Madalas lang talaga akong magbiro ng ganoon. Hehehe. Hindi ko naman alam na ano ka. Ano.. alam mo na. Kababata niya lang ako." Awkward naman siyang tumawa at napapakamot sa ulo niya.
Sa halip na matuwa lalo akong nainis sa kanya. Tss. Because of her I didn't have a good sleep. Isa rin siya sa iniisip ko kagabi. She's ruining my day. At kung kababata siya ni Jacob, bakit ngayon ko lang siya nakita? Bakit hindi ko siya nakita dati?
"Well, if thats the case...Hmm. I have to go." Pag-iiba ko ng usapan at tinalikuran siya. Naiinis ako!
Tumaas ako sa kwarto. Kumuha ako ng towel, shirt, shorts and baby powder for my baby. Siguradong pawisan yon dahil sa kalalaro.
Pagkalabas na pagkalabas ko. Rinig na rinig ko ang malakas na hagikhik ni Kell habang naka-upo siya sa balikat ng Daddy niya. Rinig ko rin ang baritonong tawa ni Jacob habang tumatakbo.
Malaya kong napagmasdan ang mukha ni Jacob. Mas naging manly ang itsura niya. Clean cut na rin ang gupit ng kanyang buhok na mas bumagay sa kanya. Mas naging lalaking lalaki siyang tingnan. Hindi ko ito napansin kahapon dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa kabang naramdaman ko.
Namiss ko rin ang mga ngiti niya. Yung ngiti niyang abot sa mata niya. Yung tipong parang hindi na siya nakakakita dahil sa pagngiti at pagtawa. I really missed him.
BINABASA MO ANG
Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]
RomanceIstorya ng isang babaeng nais mag-higanti para sa kanyang bestfriend. Ano kaya ang magagawa niya para lang sa pagkawala ng nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya?