Chapter Two

3.3K 50 0
                                    

Chapter Two

>FLASHBACK<

Kelly's POV

Nakakainis si yaya napakadaldal. Hindi man lang niya ko namalayang umalis, five years old lang kaya ako. Hello!?

Nandito kami ngayon sa park. Humiwalay ako kay yaya kasi ang ingay-ingay nila. Tsismisan ng tsismisan , tapos hindi ako makapaglaro. Sinong bata  ang matutuwa doon?!

Naglakad-lakad lang ako, gusto ko humanap ng kalaro. Hanggang  sa makarinig ako ng iyak.

"Uwaaah." Grabe naman maka-iyak yon.

Hinanap ko kung asaan nanggagaling ang pag-iyak. May pagkacurious akong bata.

Sa paglilibot ko, nakakita ko ng batang nasa damuhan, nakaupo tapos may dalawang batang lalaki ang nakatayo sa harapan niya. Kahit nakaupo na yung batang babae tinulak siya nung isa sa nakatayong batang lalaki.

"Uwahhh!! Mommy!!" Lalong umiyak yung batang babae. Bakit ba sila nambubully? Nilapaitan ko sila. Hindi ko mapigilan na hindi maki-alam. Masama ung ginagawa nila.

"Hoy!! Dalawang bully! Itigil niyo nga yan! Hindi niyo ba nakikita iyak na siya ng iyak. Umalis na nga kayo.!" Hinarang ko ung sarili ko dun sa batang babae. Kaya nasa may likod ko na siya. Kaharap ko na ung dalawang batang lalaki. Ung isa mataba samantala ung isa parang tingting sa payat.

"H'wag kang maki alam, batang panget." Panget daw ako. Sorry sila isa akong batang matapang hindi ako tinatablan ng ganyan. And, maganda kaya ako. It is the fact, I am pretty.

"Ano pang tawag sa mukha mo kung panget ako. Tabachoy kapa. Umalis na nga kayo dito kayo ang mga panget. Alis! Papanget nyo!" Matapang kong sabi. Nagusot ang mga mukha nila dahil sa sinabi ko, mga hindi maipinta ang mga mukha.

"Isusumbong kita sa Mama ko." Sabi ni taba habang naka-nguso pa at pagkatapos ay tumakbo palayo kasama si payatot. Wala pala sila e. Mga duwag!

Tiningnan ko na yung batang babae sa likod ko. Naka-upo pa din siya sa damuhan pero hindi na siya umiiyak. Ang cute niya pala.

Umupo din ako sa damuhan para maka-usap at maka-musta siya ng ayos.

"Okay ka na ba ?" Simula ko.

Ngumiti siya." Oo. Thank you huh."

"Wala iyon. Bakit kaba nila inaaway?"

"Hindi ko nga alam basta na lang nila ako tinulak." Naging malungkot yung mukha niya, sa tingin ko mas cute siya pagnaka-ngiti.

"Bakit kasi mag-isa ka lang dito?" Simula at tanong ko.

"Gusto ko kasi maglaro tsaka malapit lang naman ang bahay namin. Ayun oh."Tinuro niya at tiningnan ko naman. Malapit nga, matatanaw mo lang ang bahay nila.

"Tumakas lang kasi ako sa amin. Wala kasi akong kalaro." Dagdag pa niya.

Pareho pala kaming walang kalaro.

"Pareho pala tayo." Sabi ko.

"Talaga?" Nagliwanag yung mukha niya. Masaya ba siya dahil pareho kaming walang kaibigan. Parang ang weird!

" Edi tayo na lang ang magkalaro. Gusto mo best friends pa." Sabi niya pa. Yun pala yun, naintindihan ko na kung bakit siya ganoon kanina. Parang gusto ko din yung ideang yun. Gusto ko rin naman magkaroon ng kaibigan.

"Sige ba. Bestfriend na tayo huh.?" Sabi ko sa kanya. Naexcite ako kasi magkakaroon na ako ng bestfriend.

"Oo naman. Bakit pala mag-isa ka rin?"

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon