Chapter Four
Kelly's POV
"Bestfriend!" Sino ba iyon!? Kung makasigaw naman. Well, magugulat ako kung si Angel yon.
Naka upo ako sa isang bench habang busy sa pagbabasa ng libro sa isa naming subject.
"Bestfriend! Kelly!" Huh!? It's my name, right? Napa kunot ang aking noo. Tumingin ako dun sa part kung saan narinig ko yung sumigaw. Nanlaki ung mata ko. Oh! Si Angel nasigaw? At ntakbo pa siya?
"Hay! Salamat tumingin ka din." Sabi niya pagkalapit niya sa akin. Hinihingal pa siya dahil sa pagtakbo.
Tapos umupo rin siya sa bench na inuupuan ko. Habang ako tulalang naka-tingin sa kanya. Hindi ako nagsalita. Hindi pa rin nagsisink in sa mga brain cells ko na si Angel yung sumigaw at tumakbo kanina. Hindi naman kasi niya iyon ginagawa.
Si Angel na mahinhin tumakbo at sumigaw. Ang alam ko sa aming dalawa, ako lang may kaya gumawa noon in public. Kung kilala mo talaga siya magtataka ka at magugulat.
"Hey! Kelly, What's the problem?" Hinawakan niya pa ko sa balikat. Hindi pa rin ako maka-recover.
"Ah... Do you really did that huh?" Sa wakas naka-pagsalita rin ako. Kumunot naman ang noo niya."Alin?" Nagtatakang tanong niya.
"Yung pagtakbo at pagsigaw." Nakaka-shock e. Sorry if OA ang reaction ko. 16 years na kaya kaming magkasama at ngayon niya lang ginawa ang ganoon!
Nang narealize niya ung sinabi ko. Biglang lumiit ang kanyang mata at tumawa ng mahinhin.
"Hahaha.. You're.. Haha.. Funny.. Haha.." What's going on? Nakanga-nga na ko dito. Anong meron? Nawawala ang poise ko.
"Sorry, I'm just happy, very happy." Ganoon na pag nagiging masaya. May mga bagay na nagagawa na hindi naman talaga ginagawa.
"And why are you VERY HAPPY?" I asked her. I emphasized the word "very happy". Naka-recover na ko kaya balik na ko sa dati.
"Bestfriend!! JM is officially mine."
"What do you mean?" No! I don't want to hear that thing. This is not happening right. Please, Angel, mali ang iniisip ko, right?
"Kailan kapa naging slow, Kelly? Kami na ni JM. Boyfriend ko siya, Girlfriend niya ko. Gets mo na?" Asdfghjkl! No! Madalas kong makikita ang lalaking iyon. Pero parang ang bilis. 1 month pa lang silang ng gegetting to know each other. Yeah! 1 month ko ng tinitiis ang lalaking yon para sa bestfriend ko. And para sa akin mabilis talaga ang pagiging mag-on nila. Kasi naman si ANGEL yan e.
Dapat ang panliligaw dyan mga 10 to 12 months. Dapat ganoon. Para deserving talaga. Wala akong pake kung isang taon pa manligaw ang mga lalaking gusto ang bestfriend ko.
"Oh, bakit ganyan itsura mo? Hindi ka ba masaya para sa akin?" Naging malungkot ang boses niya. Okay! Ako yung sumira sa mood niya.
"No. Masaya ko kasi masaya but..." Hindi ko maituloy ang gusto kong sabihin. I'm afraid to ruin my bestfriend happiness right now because I hate the man she likes.
"But?" Angel.
"Iyong lalaki kasi na gusto mo ano..." Paano ko ba sasabihin. Napaka-hirap, kailangan ko maging totoo sa kanya.
"Yeah right. Ayaw mo sa kanya. Kasi ang alam mo wala siyang gagawing maganda. Puro yabang lang ang alam. Am I right?"
"Yeah." Nahihiya ko pang sabi kasi tumpak ang mga sinabi niya. May hiya naman ako no. Well, that's the whole truth isama pa na lagi niya kong nilalait kahit wala naman kalait lait. Tsk.
BINABASA MO ANG
Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]
Lãng mạnIstorya ng isang babaeng nais mag-higanti para sa kanyang bestfriend. Ano kaya ang magagawa niya para lang sa pagkawala ng nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya?